Kabanata 21

8.9K 279 113
                                    

"P-Peke lang 'to 'di ba? H-hindi ito kayang gawin sa 'kin ni Rius...hindi..." Pilit akong nagmakaawa kay Lenarie na sabihin niya sa akin na nagkakamali lang siya, na hindi ito totoo, na wala siyang ibidensya na si Rius talaga iyon kahit nakikita naman na ng dalawa kong mata.

Paano kung edited? Paano kong may gusto lang sumira sa aming dalawa? Alam kong malaki ang pagkakagusto ni Zarena kay Rius, ngunit si Rius alam kong hindi niya ito gagawin sa akin nang dahil lang sa nagawa kong mali noong isang araw. Hindi. Hindi siya ganoon. Hindi niya ito magagawa.

"Pasensiya ka na, Lucy. Siya na lang siguro ang tanungin mo tungkol diyan."

Para akong naka-drugs at nakahithit ng mariwana dahil sa namumugto kong mga mata nang tuluyan kaming nakauwi ni Ethos. Sa sobrang panlalambot ng mga tuhod ko ay gusto ko na lang na lumupagi sa semento, ngunit pinilit pa rin ako ni Ethos.

"Ate, pumasok na tayo sa loob. Madilim at malamig na rito sa labas." Inalalayan ako ni Ethos hanggang sa nakapasok kami sa loob ng tarangkahan.

Siya pa ang nagbukas ng pintuan ng bahay upang makapasok kaming dalawa ni Ethos, ngunit halos mabuwal na lang ako sa aking kinatatayuan nang bigla kong napansin ang pigura ni Rius na biglang napatayo sa sofa nang nakita ako.

"Lucy." Gulo-gulo ang kaniyang buhok, pansin ko rin ang pangingitim ng ilalim ng kaniyang mata; ang amoy ng alak ay nanuot sa aking ilong. "Lucy, mag-usap tayo."

Bigla niyang hinawakan ang dalawa kong balikat. Huminto ako. Si Ethos naman ay naglakad papunta sa kusina. Napaangat ako ng tingin kay Rius, pinipigilan ang muling pagbagsak ng mga luha kahit alam ko na kagagaling ko lang sa pag-iyak.

"Nandito ka... Sana hindi ka na lang bumalik." Bumakas ang sakit at gulat sa kaniyang mga mata. Sumiklab ang nagliliyab na galit sa aking loob. O bakit? Ano'ng akala niya? Hindi ko malalaman?

Ano'ng karapatan niyang masaktan?

"Lucy, magpapaliwanag ako—"

Isang malapit na sampal sa pisngi natanggap niya mula sa akin. Pumailanlang iyon sa buong kabahayan kasabay ng pagragasa ng mga luha sa pisngi ko.

"Ang kapal ng mukha mo! Matapos ka sa babaeng iyon babalik ka rito? Para ano? Para paikutin ako?"

Mabilis siyang umiling at sinubukang hulihin ang dalawa kong braso, ngunit pilit ko iyong iwinawaksi sa kaniya.

"I'm sorry, I'm sorry, please! Lucy, lasing ako kagabi, h-hindi ko—"

"Tangina ka! So kapag lasing gagawin mo iyon? Makikipag-sex ka sa ibang babae kahit may girlfriend ka na kasi lasing ka? D-Dahil ba g-galit ka sa akin? D-Dahil ba nasira ko 'yong laptop mo?" Humikbi ako at nilunok ang bukol na namumuo sa aking lalamunan.

"Lucy, makinig ka naman, magpapaliwanag ako—"

"S-Sabihin mo sa akin na hindi iyon totoo..." Hinawakan ko ang kaniyang damit; paulit-ulit siyang inuga habang nagmamakaawa ko siyang tiningnan habang walang humpay sa pagragasa ang mga luha ko. "S-Sabihin mo! T-Tatanggapin ko... Sabihin mo... Sabihin mo..."

"Lucy..."

Hinintay ko siyang sumagot. Bumagsak ang mga luha sa kaniyang mga mata, may pagsusumamo.

Mistulang gumuho na lang ang mundo ko sa sumunod niyang sinabi, "I'm sorry."

Suminghap ako at umatras sa kaniya habang paulit-ulit na pinoproseso ng isip ko ang dalawang salita na iyon.

I'm sorry. Mga salitang paulit-ulit kong naririnig mula sa kaniya sa tuwing may ginagawa siyang mali, ngunit sa ilang beses na humingi siya ng tawad sa akin...ito iyong pinakamasakit...dahil alam ko kung ano ang ibig niyong sabihin.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz