Kabanata 23

9K 309 114
                                    

"Goddammit! Just make sure that he will rot in prison or I'm going to kill that man for doing this to my daughter!"

Unti-unti kong binuksan ang talukap ng aking mata. Bumungad sa akin ang medyo madilim na silid. Ang tunog ng life machine ang nagsisilbing ingay na naririnig ko kasabay ng mabibigat kong paghinga. Tumingin ako sa aking braso at napansin ang dextrose na nakakabit doon.

"Ate..." 

Bumaling ako sa may gilid ng aking paanan at nakita roon ang dalawa kong kapatid, pawang nag-aalala at medyo namumugto ang dalawang mata. Nawala ang aking atensiyon ko roon nang napansin ko ang pamilyar na pigura ng isang lalaki na nakaub-ob sa gilid ng aking kama. Gumalaw ako. Tumunghay siya sa akin. Marahan akong suminghap nang sumalubong sa akin ang namumugtong mga mata ni Rius. Umuwang ang aking bibig at banayad na hinaplos ang kaniyang malambot na buhok.

"R-Rius..." Unti-unting kumawala ang luha sa aking mga mata nang dumampi ng kamay ko sa aking tiyan. Bumalik sa akin ang lahat ng nangyari. Tila pinunit ang puso ko. "'Y-Yong baby... 'Y-Yong baby n-natin..."

Bumagsak ang namumuong luha sa kaniyang mga mata bago niya mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. "P-Patawad. Patawarin mo ako, Lucy. W-Wala na siya. Wala na..."

Mistulang huminto ang lahat  habang paulit-ulit kong nagririnig sa aking isip ang mga kataga na binitiwan niya.

Wala na. Wala na ang baby. Wala na ang baby namin ni Rius.

"H-Hindi... H-Hindi 'yon t-totoo. Hindi!" Ipinilig ko ang aking ulo habang kumakawala ang hagulgol sa aking bibig. 

Tumabi siya sa may kama ko at niyakap ako nang mahigpit. "P-Patawarin mo ako... H-Hindi ko kayo naprotektahan. Patawarin mo ako, Lucy."

Hindi ko matanggap. Hindi ko kayang tanggapin. Bakit? Bakit ganito? Masyado pang maaga. Ni hindi ko man lang siya naramdaman sa loob ko; ni hindi ko man lang siya nasilayan; ni hindi ko man lang siya napahalagahan; ni hindi man lang niya naranasan ang mabuhay! Ang sama kong ina! Wala akong kuwentang ina! Hindi ko man lang siya naprotektahan na dapat noon ko pa ginawa!

Alam kong marami akong pagkakamali. Hindi ako santo pero alam ko sa sarili ko na may mga rason ako. Gusto ko lang ng magandang buhay para sa amin ng mga kapatid ko, pero bakit ganito ang kailangang singil sa mga kasalanan ko? Walang kinalaman ang anak ko sa mga kawalanghiyaan ko sa buhay; wala siyang kasalanan; wala siyang ginagawang mali. Pero bakit? Bakit?

Hindi ko alam kung ilang araw akong nanatili sa ospital at walang imik. Hindi ako makapagsalita at palagi lang tulala sa tuwing sinusubukan nila akong kausapin. Wala na akong pakialam sa paligid ko. Parang gusto ko na lang din magpahinga at makasama ang baby ko. Wala ako ganang kumain, tila pati ang katawan ko ay napagod na rin. Mas gusto ko na lang pumikit at matulog, hinihiling na baka sa susunod na gawin ko iyon ay hindi na ako magising.

"Ate, sige na, kumain ka naman. H'wag mo kaming pag-alalahin. Kami ang nasasaktan sa ginagawa mo sa sarili mo." 

Hindi ko pinansin si Ethos na nasa aking gilid at sinusubukan akong subuan ng pagkain, subalit tila hangin lang ang kaniyang boses na pumasok at lumabas lang din sa kabila kong tainga.

"Ethos, ako na r'yan."

"Kuya Rius."

Ilang segundo ang nakalipas nang medyo lumubog ang parteng gilid ng kama matapos may umupo roon.

"Lucy," narinig ko ang pagtawag ni Rius ngunit nanatili akong nakaupo habang nakapulupot sa dalawa kong tuhod ang mga braso; diretsong nakatingin sa labas ng  bintana ng silid. "Lucy, tumingin ka sa 'kin. Tingnan mo ako."

May dalawang kamay ang humawak sa tigkabila kong pisngi dahilan upang tuluyan akong mapaharap sa kaniya. Tila may kung ano'ng nabuhay sa kalooban ko nang eksaktong nagtama ang paningin naming dalawa. Nasilayan ko ang abo niyang mga mata, puno ng pagmamakaawa sa akin. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko na nagbigay sa akin ng banayad na pakiramdam. Mistulang pinapawi nito ang kung ano'ng negatibong nabubuo sa loob ko. Mainit, kalmado, at may pag-iingat.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora