Kabanata 14

9.5K 304 14
                                    

Naging matiwasay ang buwan ng Enero, medyo nakampante rin ako dahil hindi ko na madalas makita si Isaac. Akala ko talaga katapusan ko na, bagaman hindi rin naman ako papayag na hanggang doon na lang ang huling pagtatagpo namin dahil nagpatuloy pa rin ako sa paghahanap ng limang piso na kaniyang sinasabi, kahit alam kong malabo ko na iyong makita pa.

"If you want you can bring your siblings with you, I'm going to support their studies, Lucy. Just please, let me." 

Napaisip ako sa sinabi ni Mr. Leonardo, hanggang ngayon ay iyon pa rin ang tawag ko sa kaniya, kahit naman siya ang totoo kong tatay ay hindi pa rin sapat upang mapunan niya ang mga panahon na pinabayaan niya ako, kami ni Mama. Pinipilit pa rin i-proseso ng isip ko ang lahat, ni hindi ko pa nga ito nasasabi kina Anna at Ethos.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi habang may pagmamakaawa akong tiningnan ni Mr. Leonardo na katapat ko ngayon. Nandito kami sa loob ng isang restaurant; ilang beses na rin akong nakikipagkita sa kaniya sa tuwing gusto niya akong makausap at kumustahin. Nalaman kong ilang buwan lang siya rito sa Pilipinas dahil pagpatak ng Hunyo ay babalik na rin siya sa Italy kung saan naroon ang kaniyang pamilya.

"I would love to accept your offer... Mr. Leonardo, but... I think I'm going to refuse it. I-I don't want to leave. Dito na po ako lumaki at nagkaisip." Pabor naman sa akin ang gusto niya, kung tutuusin, hindi ko na kakailanganin pang gawin ang kung ano man ang ginagawa ko ngayon, ngunit kung tatanggapin ko ang gusto niya...alam kong may masasaktan ako.

Mapait na napangiti sa akin si Mr. Leonardo.

"You know I will always understand you, Lucy. But, was that really your reason? Or, is there anything else?" 

Napangiti ako dahil nakikita ko roon kung gaano niya ako kagustong kilalanin; kung gaano niya kagustong kilalanin ang kaniyang anak. "Mahal ko po si Rius. Hindi ko po siya iiwan."

Iyon nga ang naging desisyon ko, gayunpaman ayaw ko rin naman siyang pagkaitan bilang tatay ko kaya hinayaan ko na lang siya na tustusan ang pag-aaral ko pati na rin ang kina Anna at Ethos kahit na hindi niya naman sila anak.

Paunti-unti, inaayos namin ang relasyon naming mag-ama.

"Oh? Ba't may pagan'yan ka pa? 'Di ba sinagot na kita?" tanong ko kay Rius nang inilapag niya sa harapan ko ang niluto niyang pinakbet.

"Kahit tayo na, araw-araw pa rin kitang liligawan." 

Umirap ako sa sinabi niya. Tinawanan niya lang naman ako. Corny nito!

Sinagot ko na kasi siya noong isang araw. Ayaw ko na masyadong patagalin dahil doon din naman iyon pupunta. Mahal ko si Rius, ganoon din naman siya sa akin. Kung panliligaw ang basehan upang kilalanin ang isang tao, matagal ko na siyang kilala kaya ano pang silbi kung patatagalin ko iyong panliligaw niya sa akin?

Kaartehan ko lang talaga iyong ligaw-ligaw na 'yan.

Kami ang naiwan dito sa bahay, wala iyong tatlo dahil may inaasikaso. Medyo hindi na rin kami nakasasama ni Rius sa tuwing nagbibigay si Ate Vida ng trabaho, bukod sa may suporta na akong natatanggap na tatay ko, marami na rin kaming naipon ni Rius. Sobra-sobra pa iyon para sa graduation niya sa Mayo, at magkakatrabaho naman na siya pagkatapos.

Maging mabait man lang kaming mamamayan.

Tumigil ang lahat nang buksan ko ang room. Napayuko ako nang halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin pati na rin ang aming guro. "Sorry, sir. I'm late."

"It's okay. Go to your respective seat." Nagmadali akong pumunta sa upuan ko kung saan sa gilid niyon ay si Lenarie na matamang nakamasid sa akin.

"First time mong ma-late," wika niya nang tuluyan akong nakaupo. Sinuklian ko iyon ng ngiti at nakinig na lang sa ipinapaliwanag ng guro sa unahan.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora