Wakas

19.8K 572 112
                                    

Sa musmos kong pag-iisip hindi ko kailan man hinangad na may kukupkop pa sa akin dahil sa laki ako sa ampunan. Kontento ako sa kung ano'ng mayroon ako. Ang gumising sa umaga, makipaglaro sa mga batang kasing edad, at sabay-sabay na tatapusin ang isang buong maghapon sa pamamagitan ng pagpikit ng mga mata.

I was a lost kid. No parents. No dreams. Just a kid, but when Papa came—the one who adopted me—my principles had begun to grow. Gusto kong makapag-aral katulad ng ibang bata; maghangad ng mga bagay na mayroon sila ngunit wala ako; magkaroon ng sariling destinasyon sa buhay.

I had been living my life for years when he came. Pinag-aral, binihisan, pinakain. Nasanay ako sa mga bagay na kaniyang ibinibigay dahil wala naman siyang ibang paglalaanan niyon kung hindi ako lamang, ngunit nagbago ang lahat nang nawala si Papa lalo na't nagsimulang pumasok sa eksena ang kaniyang kapatid na si Tito Thomas.

Hindi ako totoong Costillano, kaya wala ako naging reklamo nang pinalayas nila ako sa mansiyon. Wala ako ibang pagpipilian kung hindi ang intindihin ang sitwasyon. Masyado pa akong bata para maintindihan ang tungkol sa mga pamana na kaniyang naiwan, ngunit imbis na lumayo ay nanatili pa rin ako sa Cagayan de Oro.

Labing pitong taon nang naisip kong pasukin ang iba't ibang klase ng trabaho kung saan puwede akong kumita pantustos sa pag-aaral ko, ngunit masyadong mahirap dahil bukod sa kapos sa oras ay maliit lang ang sahod. Napilitan akong lumipat sa pampublikong eskuwelahan sa lalawigan namin dahil wala ako ipangtutustos sa pambayad ko ng tuition kung magpapatuloy ako sa pribado.

Nahirapan ako sa simula. May mga araw na gusto ko na lamang sukuan iyon dahil hindi na ako sanay sa ganoong klase ng buhay. Mag-aaral sa umaga, at magtatrabaho sa gabi, ngunit nagbago ang pananaw kong iyon nang dumating ang pangalawang semester sa taon na iyon.

"Ayan na siya! Daraan na! Pikturan n'yo bilis!"
   
I was on the verge of sleeping. Masyadong napagod ang katawan ko kagabi sa pag-aayos ng mga sirang sasakyan nang narinig ko ang pagkakagulo ng ilang mga kalalakihan sa classroom.

Walang pag-aalilanlangan na nagbukas ako ng mata.

"Gago n'yo! Type n'yo lang naman si Miles kasi sexy. Tapon ulo naman. Mas maganda pa si Lucy r'yan. Ayon o!"

An unfamiliar woman passed our room. She was not wearing the same uniform just like other girls in our department. I was thinking she was still in junior, ngunit hindi iyon ang nakaagaw ng atensiyon ko kung hindi ang simple niyang pagwahi sa kaniyang maiksing buhok na abot lamang sa kaniyang balikat para isabit sa kaniyang tainga.

From my seat, I could clearly see her side profile. She wasn't that tall, and her skin wasn't that white. The features of her face told us that she had foreign blood. Kakaiba ang tangos ng kaniyang ilong, may tamang kapal at magandang kurba ng kilay. Mukha siyang isnobera pero.

"Bakit? Kaya mo pag-aralin mga kapatid ko? Mag-aral ka muna a. Ligaw-ligaw ka r'yan."

A chuckle escaped from my mouth when I saw how she leered on the boy who tried to approach her.

Hindi lamang isnobera, masungit din pala. Sayang naman, mukhang mahihirapan akong makipagkilala sa kaniya kung sakali.

"Hi, Rius. Paturo naman sa Gen Math. Hindi ko maintindihan 'yong computation e."

"Rius, ako rin!"

Umayos ako ng upo at unti-unting nawala ang ngiti sa labi nang biglang lumapat ang kaniyang paningin sa akin. Matalim. Parang noong nagsabog ang Diyos ng problema sa mundo ay sinalo niya lahat dahil sa sama ng tingin niya sa akin.

"Rius."

Tuluyan akong napalingon sa aking kaliwa nang kinalabit ako ng kaklase kong babae.

"Paturo, p'wede?"

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now