Kabanata 6

10.6K 356 18
                                    

Nang dumating ang December ay naging abala kami ni Rius sa finals. Medyo kinailangan kong magsunog ng kilay para sa exams, pagkatapos kasi n'on ay lilipad na kami patungo sa Cagayan. Naibili ko na rin si Anna ng iPhone 11 na gusto niya, at dahil ayaw kong naiinggit si Ethos ay pati siya ay binilihan ko kasama ng sapatos na gusto niyang ipasalubong ko.

Hindi pa naman ako namumulubi.

"Hindi ka talaga a-attend sa Christmas party?" tanong Lenarie habang nagliligpit ako ng mga gamit.

"Hindi na. Araw 'yon ng alis namin ni Rius." Napansin kong nanatili siyang nakatayo sa may gilid ko kaya sumulyap ako sa kaniya. Umiwas siya ng tingin at marahang sinuklay ang kaniyang buhok patalikod na aabot lamang sa kaniyang leeg.

Magkasabay kaming lumabas ng room ni Lenarie. Medyo dumadalas na ang pagsama niya sa akin, pati na rin si Khalel na palaging nakaantabay sa labas ng classroom upang hintayin kaming dalawa.

Maingay pa cafeteria nang nakapasok kami sa loob. Nahagip ng paningin ko ang pamilyar na mukha ng isang babae na nakaupo sa may gitnang lamesa kasama ang iilan ding mga lalaki.

"Ano, Crystal, nililigawan ka na ba?"

"Ano ba kayo, mabait lang talaga siya sa akin."

"Sus. Kunwari ka pa. E halos kayong dalawa na nga lang ni Rius ang nag-uusap sa room e, magkatabi pa." 

Lumukot ang aking noo sa narinig lalo na nang napansin ko ang marahang paghampas ni Crystal sa balikat ng kaibigan habang natatawa.

"E pa'no nga kung ligawan ka niya? Sasagutin mo ba?" 

Pinanood ko kung paano umikot ang mga mata nito na tila nag-iisip. Kalaunan ay ngumiti ito.

"Mabait siya, so..." Bago pa ito matapos magsalita ay pinaghahampas na ito ng mga kaibigan na nangingisay sa kilig.

Mga impakta! Walang ligaw-ligaw!

"Lucy," pagtawag sa akin ni Khalel.

Nagmadali ako sa paghatak sa banggko na katabi lamang ng kanilang lamesa. Naglikha iyon ng ingay kaya nagawi ang tingin nila sa aming direksyon. Nasalubong ko ang mata ni Crystal na isimo'y inosente pero halata namang may kating itinatago. Umirap ako.

Si Khalel na nasa gilid ko ang um-order para sa amin ni Lenarie.

"Speaking of, papasok siya ng cafeteria!" Nagtilian ang mga kaibigan ni Crystal. 

Nagawi naman ang tingin ko sa may labas. Doon ko napansin si Rius kasama ang ilang mga lalaki; mukhang mga kaklase niya rin. Nakasakbat ang bag niya sa kanan niyang balikat at agaw na agaw ang pansin dahil bahagyang nakabukas ang dalawang butones ng kaniyang polo.

Umalingawngaw ang tawanan ng mga kaibigan ni Crystal nang tuluyan silang nakapasok.

"Tawagin mo na, Crystal!" 

Bumalik ang tingin ko sa kanilang lamesa at napansin ang medyo nahihiyang reaksyon ni Crystal bago ito nagtaas ng kamay.

"Rius!" 

Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano kumurba ang ngiti sa labi ni Rius nang bumaling siya sa kung nasaan ang babae. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. 

"Dito ka na umupo. Marami pang bakante."

Napaangat ang kilay ko.

Sige! Dumiretso ka r'yan! Makikita mo, Rius!

Akmang lalakad na si Rius doon nang malakas akong tumikhim. Tumitingin sa akin ang karamihan. Tuluyang namang bumaling sa akin si Rius; nasalubong ko ang kaniyang mga mata. Kitang-kita ko ang kaniyang pagkabato ngunit kalaunan ay lumiwanag din ang kaniyang ekspresyon. Nag-excuse siya kay Crystal at nagmadaling lumapit sa lamesa namin bago umupo sa kung saan nakaupo si Khalel kanina.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now