Kabanata 4

11.6K 394 111
                                    

Kaagad akong hinila ni Rius patungo sa kaniyang likuran at hinarangan sa paparating na si Zeraphine. Hindi ko naiwasang mapaimpit ng mura nang halos lumuwa ang mata nito pagkakita sa amin.

Buwiset! Ah! Buwiset!

"Ow, I don't mean to interrupt—"

"Mali ang iniisip mo," paliwanag ni Rius. 

Hindi ko naman naiwasang mapatingin sa sahig at makaramdam ng hiya.

"No. It's okay, may nakalimutan lang ako. Pagpatuloy n'yo 'yan." 

Tumunghay ako at napansin ang nakalolokong ngisi ni Zeraphine. Sa ngisi pa lang niya ay alam ko na kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isip.

"Zera, 'yong—" 

Nataranta ako at mabilis na hinablot ang tuwalya sa kamay ni Rius. Buwiset! Buwiset! "Akala ko ba nakaalis na kayo?" singhal ko. Ibinalot ko 'yon sa aking katawan bago pa tuluyang dumating si Greg.

"Oh... wow." Biglang bumungad si Greg. Ang nakabilog nitong bibig ang sumalubong sa amin ni Rius habang nagpapabalik-balik ang tingin nito sa aming dalawa. Unti-unting umaangat ang sulok ng labi nito bago bumaling sa akin. "Hot."

"Shut up, Greg kung ayaw mong hambalusin kita ng bangko," banta ni Rius. Humalakhak naman si Greg bago itinaas ang dalawang kamay na tila sumusuko.

"Easy, bro. Nawala lang kami sandal gumagawa na kayo ng milagro." 

Sa iritasyon ko ay kinuha ko ang tsinelas aking suot at ibinato kay Greg. 

"Ouch!" Natamaan siya sa mukha.

Tiningnan ko ito nang masama. "Ewan ko sa inyo! Bahala nga kayo r'yan!"

"Lucy—" 

Hindi ko na sila pinansin pa at nagmadali nang na umalis sa likuran ni Rius. Kaagad akong umakyat sa hagdanan. Eksakto naman na nakasalubong ko si Zeraphine na nakangisi sa akin. Inirapan ko na lang siya.

Mga berde ang utak!

Hindi na ako lumabas pa ng kuwarto matapos n'o; hindi na rin naman ako kinatok pa ni Rius kaya naman nang natuyo ang aking buhok ay bumalik na rin ako sa kama upang mahiga, eksakto naman na tumunog ang telepono ko.
  
Napangiti ako nang nakita ang pangalan ni Anna. Napatingin ako sa aking orasan. Mag-aalas onse na. Teka, gabi na a. Bakit hindi pa ito natutulog?

"Ate kong maganda!" 

Napaangat ako ng kilay dahil sa narinig. Mukhang alam ko na kung ano ang pakay nito. "Oh? Ba't hindi ka pa natutulog? Gabi na a? Huwag mong sabihin nagb-boyfriend ka na? Tigil-tigilan mo 'yan, Inday a! Tatadyakan kita sa singit!"

"Ito naman, hindi 'no! Nanonood lang kami ng K-drama. At saka huwag mo nga ako tawagin sa ganiyan kong palagaw! Ang bantot pakinggan!"

Napaikot ako ng mata. "Arte mo. Totoo namang mabantot ka no'ng bata ka, at ano namang kailangan mo?"

"Ito na nga, 'di ba nga tinatanong mo si Ethos kung ano'ng gusto naming pasalubong pagbalik mo?"

"Oh?"

"iPhone 11 sa 'kin, Ate ganda.

Napabalikwas ako ng bangon. "Bangag ka ba? iPhone 11? E kung ipukpok ko sa 'yo 'yang cherry mobile mo!" iPhone 11? Pabibilhin niya ako ng iPhone 11? Tingin niya ba yata sa akin pinupulot ko ang pera? 

Sana nga pinupulot ko na lang, ang hirap kaya manghablot.

"E! Sige na! Regalo mo na lang sa 'kin sa pasko, at saka sina Carol nga e, binilhin din ng iPhone. Ako na lang ang wala sa 'ming magkakaibigan, Ate.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now