Kabanata 35

9.9K 300 68
                                    

“Maraming salamat dito, hija. Malaking tulong ito para sa mga bata.”

“Wala pong anuman.” Ngumiti ako kay Sister Dianna at nakipagkamay sa kaniya.

Last week, I sold the house that I bought in Taguig. Ilang mga orphanage ang napili kong bigyan ng donation sa ilang lungsod ng Maynila. It amazes me, knowing that the money I’ve used to buy the house was came from the illegal things that I’ve done to sold it into more bigger price, but then at end of the day, I chose to use it to donate for children.

Maaliwas ang mga nagdaang buwan. Hindi ko na rin nakita pa si Mama simula noong nakatagpo ko siya sa café malapit lang sa may eskuwelahan. Minsan ay parati akong luminga-linga sa paligid at nagtatago dahil nangangamba ako na baka nandoon siya at naghihintay sa pagdating at paglabas ko sa campus. Hindi ko alam kung dapat kong ikatuwa nang hindi na siya nagpakita pa matapos iyon, o mainis dahil tila wala na nga siyang pakialam sa aming magkakapatid. Sa huli ay hinayaan ko na lamang.

Hindi rin naman nagpapakita sa akin si Ysabelle. Bukod sa masyado na rin ako naging abala sa trabaho ay mas pinagtuunan ko rin ng pansin ang pag-aalaga sa anak ako. I never told Anna and Ethos about Mama. Kahit ang kuwestiyunin si Rius tungkol doon ay hindi ko na rin binanggit kahit araw-araw siyang bumibisita. Pinalipas ko iyon sa aking isip na parang hindi iyon nangyari. Na parang hindi kami nagkita ni Mama.

“Three months na lamang ikakasal na si Kuya Rius, kasabay iyon ng birthday niya. Wala ka talagang gagawin?” Araw ng Linggo nang itanong sa akin iyon ni Anna. Nasa likod bahay kami at katatapos ko lamang magdilig ng halaman.

Bumukol ang dila sa gilid ng aking pisngi bago ko pinatay ang hose. Bumaling ako kay Anna at pumaaywang.

“Ano ba dapat ang gagawin?”

Umirap siya at humalukipkip. “Ewan ko sa 'yo! Let’s say mabait si Ate Ysabelle, at gusto ko rin naman siya para kay Kuya Rius, pero mas may karapatan ka sa kaniya, Ate! May anak kayo! H’wag mong sabihin na naduduwag ka na? Ano? Bait-baitin ka na ngayon? Gagaya kay Ate Ysabelle na hindi makabasag pinggan?”

“Kung gustong mabuo ni Rius ang pamilya namin, hihiwalayan niya si Ysabelle. Hindi ko siya kailangang habulin.” Iyon yata ang pinakatamang naisip ko sa lahat. I've been contemplating whether to approach Rius and ask him to finally complete our family, but he obviously loves Ysabelle, kaya bakit niya iyon gagawin?

“Wala. Ang tanga mo talaga, Ate.”

Tinapunan ko nang masamang tingin si Anna.

“Hindi ka naman ganiyan dati. Noon wala kang sinasanto. Ngayon, bakit parang unti-unti kang tumitiklop? Kung mahal mo siya, ipaglaban mo! Malay mo naman, may natitira pang katiting siyang pagmamahal sa 'yo. H’wag ka magpaka-santa.”

Iniwan niya ako sa likod-bahay pagkatapos. Umiling ako.

Walang nagbago sa paghahatid-sundo sa amin si Rius. Minsan nga ay nagtataka na rin ako dahil kulang na lamang ay tumira siya sa bahay sa araw-araw na pagpapabalik-balik niya. I never asked about his relationship with Ysabelle again. Mukhang maayos naman na sila dahil bihira ko nang makita ang pagkunot ng kaniyang noo.

“Lucy?”

Mula sa pagkakayuko habang kumakain rito sa canteen ay nag-angat ako ng tingin. Lumuwa ang aking mata nang nakita ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. Nakasuot pa rin naman siya ng salamin, pero hindi na katulad noon na sobrang kapal ng lens.

“Khalel! Ano’ng —”

“Bagong teacher ako rito. Kapapasok lang.”

“Ah.” Tumango ako. It’s been years since the last I’ve seen him. Napansin ko rin na medyo lumaki ang katawan niya kumpara noon, at mukhang may pagkamahiyain pa rin, ngunit sa tingin ko ay hindi na ganoon kalala.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now