Kabanata 33

9.4K 273 17
                                    

"Mommy, faster! Daddy is here!"

"Ito na! Sandali lang!" Hindi ako nagkandaugaga sa pagsusuklay ng buhok matapos akong hilahin ni Ruiz paibaba sa hagdanan.

It's been a week. Kanina ay nakatanggap ako ng text kay Rius na paparito raw siya para bisitahin si Ruiz.

"Daddy!" Pagdating namin sa kabahayan ay tumakbo na kaagad si Ruiz sa bultong pumasok.

Umawang nang kaunti ang aking bibig matapos makita si Rius, nakasuot ng itim na long sleeve at white pants. His hair is in his usual style. Nakaparte sa kaliwang bahahi habang may ilang hiblang tumatama sa kaniyang buhok. Kinarga niya si Ruiz nang dambahan siya nito.

"How are you? Nagpakabait ka ba kay mommy?"

"I'm a good boy, Daddy."

Dumako ang mga mata sa akin ni Rius bago niya ibinaba si Rius. "Hi," he greets.

Hindi kaagad ako nakaimik nang medyo inatake ako ng kaba. Isang linggo ko siyang hindi nakita, at ngayon mas inuna niyang dumiretso rito kaysa ang bumalik sa kompanya. He really does miss Ruiz huh.

"Hi."

"Mga kapatid mo?" tanong niya matapos niyang mapansin na wala masyadong tao rito sa bahay.

"Ah, si Ethos nagpapa-enroll; iyong mag-anak naman nina Anna lumabas, magpapa-spa raw."

Tumango siya. Dumako naman ang tingin ko sa mga paper bags na kaniyang dala.

"May dala ka?"

Bumaba ang kaniyang tingin sa kaniyang hawak. "Mga laruan para kay Ruiz, at saka... pagkain na rin. Kumain na ba kayo?"

His eyes lock with mine. Umuwang ang mga labi ko bago sumulyap sa malaking orasan na nakasabit sa dingding malapit sa may hagdanan. Alas sais na rin ng gabi.

"Hindi pa. Maagap pa naman at saka... hinihintay ka rin ni Ruiz," sagot ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin.

Ramdam ko ang kaniyang pananantya sa ikinikilos ko, ngunit mas pinili kong hindi iyon pansinin. He seems to be observing me, and I am not uncomfortable with that. Well! Kailangan ba ako naging komportable sa kaniya simula noong umuwi ako?

Bukod sa bigat ng mga tingin niya sa tuwing dadapo iyon sa akin, wala na rin iyong dating kami. Parang may malaking pader na ang nakaharang sa pagitan naming dalawa kaya nakapaninibago na sa tuwing nandiyan siya sa harapan ko. Parang hindi ko na siya ganoon kakilala kaya hindi ako mapakali.

I've always sought his passionate stare whenever our eyes locked. Iyong mga tingin niya noon na tila tumatagos sa aking buto; iyong mga tingin na tila kayang-kayang basahin ang lahat ng iniisip ko kaya wala ako ibang puwedeng itago. Gayunpaman, sa hindi ko malamang kadahilanan, tila sumiksik iyon sa kung saan kaya't hindi ko na magawang mahanap pa. He's always intense and seems authoritative; isa iyon sa mga nagbago sa kaniya.

"Ako na'ng bahala r'yan. Ikaw muna ang bahala kay Ruiz."

Inilahad niya sa akin ang mga dala niya na malugod kong tinanggap. Hindi inaasahan na tumama ang kamay ko sa kamay. Lumunok ako. Mukhang wala naman iyong epekto sa kaniya kaya hindi ko na lamang pinansin.

"Wala kayong ibang katulong?"

"Nag-leave si Nanie noong isang araw, kaya wala." Hindi niya kaagad nabitawan ang huling paper bag na iaabot sa akin kaya nagtataka akong tumunghay sa kaniya.

"Wala kayong ibang kasama rito?" Diretso ang kaniyang tingin sa akin.

"Wala. Tayo lamang."

Ilang segundo kaming nagkatitigan hanggang sa ako na ang unang umiwas nang medyo nakaramdam ako ng pagkailang. Kinuha ko ang paper bag sa kaniya. Umayos naman siya ng tayo at tumikhim pagkatapos.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now