Kabanata 10

10.7K 334 74
                                    

"Don't hide. I know where to find yah." Kinindatan ako ni Isaac.

Umirap ako bago niya tuluyang isinarado ang pintuan ng van.

Hindi ko naiwasang magpapadyak sa gilid ng kalsada nang tuluyang umalis iyon. Nakakainis! Pinagtiyagaan niya akong hanapin para lang sa limang piso? Maluwag ba ang turnilyo niya sa utak, o sadyang baliktad lang?

"Lucy!" Napansin ko ang nagmamadaling pigura ni Zeraphine patungo sa direksiyon ko. May dalawang lalaki sa kaniyang likuran na may dalang dalawang box ng groceries. "Nakabili ka na ng ice cream?"

Napamura ako. Muntik ko nang makalimutan! "Bibili pa lang. Hintayin mo ako."

Kaagad kong tinawid ang kabilang kalsada nang magpula na ang traffic lights.

Lukot ang mukha ko na pumasok sa tindahan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako, o dapat akong matakot sa banta ni Isaac na baka kapag hindi ko iyon ibinalik sa kaniya ay dumating na lang ang isang umaga na hindi na ako nasisinagan ng araw.

Hindi ako mapakali nang nakauwi kami ni Zeraphine na bahay. Inaalala ko kung saan ko nga ba nailagay iyong wallet niya, hindi ko naman kasi talaga iyon itinapon. Siguro ay hahanapin ko na lang mamaya.

"Oh? Nasaan 'yong dalawa?" bungad ni Zeraphine kay Greg na nakaupo sa sofa rito sa kabahayan at nanonood.

"Umalis, kani-kanina lang."

Umangat ang kilay ko sa narinig. "Bakit daw?"

Tumayo si Greg nang nakita ako at saka ako nilapitan. "Tulungan na kita r'yan." Kinuha niya sa akin ang box ng groceries. "Hindi ko naitanong, pero babalik din daw sila kaagad."

Ngumuso ako. Ang sabi ni Rius mag-uusap kami, pagkatapos bigla siyang umalis? Ni hindi niya man lang ako ini-text kung saan siya pupunta. 

Dahil sa medyo nagutom ako sa naging biyahe namin ni Rius kanina, idagdag pa nag-grocery kami ni Zeraphine—na-kidnap pa ako ni Isaac!—ay naisipan namin ni Zeraphine na magluto ng hapunan. Hindi pa rin pala kasi sila kumakain, at sigurado ako na pagbalik nina Rius at Nash ay gutom na ang mga iyon.

Nang natapos akong kumain ay umakyat na ako sa kuwarto upang makapaglinis ng katawan at makapagpalit ng damit. Kinuha ko ang aking bagpack bago ako naupo sa kama at saka iyon hinalungkat. Naalala kong dito ko lang inilagay ang wallet ni Isaac, wala naman akong ibang natatandaan na inilagay ko iyon sa drawer o sa cabinet.

Binuklat ko iyon at hinanap ang limang piso na sinasabi niya. Nakita ko nga iyon dito noong minsan, ngunit hindi ko maalala kung ibinalik ko ba iyon dito o ano.

"Saan ko ba 'yon inilagay?" Ilang beses kong binuklat ang mga lalagyan nito ultimo ang maliliit na bulsa, ngunit hindi ko talaga makita.

Inis akong tumayo at ibinalik sa pagkakasabit sa dingding ang bag ko. Bahala na nga. Sasabihin ko na lang sa kaniya na hindi ko makita. Para limang piso lang e.

Bumalik ako sa ibaba upang hintayin sina Rius. Nag-text na rin ako sa kaniya kung ano'ng oras sila uuwi, ngunit hindi na siya nag-reply. Saan ba sila pumunta?

"Hindi ka pa matutulog? It's almost midnight." 

Umiling ako kay Zeraphine nang nakalapit siya sa akin. Nandito ako sa may kabahayan at mag-isang nakaupo sa sofa. "Hihintayin ko sina Rius."

"Sure?" 

Ngumiti ako sa kaniya at muling tumango. 

"Alright. I won't lock the door for you." 

Pinanood ko siyang umakyat sa hagdanan hanggang sa unti-unting humina ang kaniyang mga yapak. Humikab ako at tumingin sa malaking orasan na nakakabit sa dingding, sa may itaas ng TV. Malapit nang mag-alas dose, at medyo nakararamdam na rin ako ng antok. Muli akong humikab at humiga na lang muna sa sofa. Ilang beses kong nilabanan ang antok hanggang sa hindi ko na nakayanan pa at tuluyan na akong dinalaw nito.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora