Kabanata 32

9.5K 288 23
                                    

“Hindi ka pa babalik? Baka hinahanap ka na ro’n,” tanong ko kay Rius dahil mahigit kalahating oras na siyang nandito at binabantayan ang natutulog na si Ruiz.

Nakaupo siya sa bangko katabi ng higaan, habang ako ay nakahiga sa kama katabi ng anak ko, nakatukod ang gilid ng ulo sa kamay.

Tumunghay siya. Nagsalubong ang mga mata namin. Even when it’s dark, I can clearly see his gray eyes. Hindi na yata nawala ang tuwa roon simula kanina.

Tumikhim ako at lumihis ng tingin. Naiisip ko pa lamang na nasa iisang kuwarto kaming dalawa ay nagbabago na ang takbo ng isip ko.

At ano naman kung nasa iisang kuwarto kayo, Lucy? Hindi naman ito ang unang beses na nakasama mo siya. Magkatabi pa nga kayong matulog noon.

“I’ll stay. Nandoon naman sina Kuya Horris para mag-asikaso.”

Umirap ako nang sa gayon ay mawala ang medyo nakaiilang na pakiramdam na nabubuo sa pagitan namin.

“Bahala ka. Matutulog na ako.” Umayos na ako ng higa at niyakap si Ruiz. Mariin akong pumikit kahit ramdam ko ang paninitig ng kaniyang mga mata.

Why am I suddenly feel uncomfortable? Sanay naman ako na parati niya akong tinititigan noon na hindi binibigyan ng malisya, ngunit ngayon... Huminga ako nang malalim at kunot noong iminulat ang mga mata. Sinalubong ko siya ng tingin. Oo nga pala, marami na ang nagbago. The way he stared before was way more different than how he stares right now. Kaya siguro hindi ako komportable.

Pakiramdam ko ay may pader na nakaharang sa pagitan naming dalawa, at nangangamba ako na baka sa ginagawa niyang paninitig ay tuluyan niya iyong matibag.

“Do you...really hate me for you to leave?”

Medyo lumaki ang mga mata ko sa tanong niya. Hindi ko inaasahan na sa ganitong pagkakataon pa niya naisipan iyong itanong. Ni hindi ako nakapaghanda ng isasagot.

“No, I don’t.” Wala akong ideya sa kung ito ba ang tamang oras para linawin sa kaniya ang lahat, ngunit nagtanong na rin naman siya. Pagkakataon ko na rin siguro na ipaliwanag ang mga rason ko, kahit alam kong karamihan doon ay baluktot.

Nanatili siyang nakatingin sa akin.

"I never hated you. I hated myself for dragging you into something... you shouldn't have done in the first place. Inakusahan kita na niloko mo ako nang dahil lang sa isang litrato na wala namang katotohanan.”

Kita ko ang pagkagulat sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung alam niya na ba ang tungkol doon ngunit mas pinili kong magpatuloy. “Napabayaan ko ang sarili ko, ang...anak natin.” Lumunok ako nang medyo yumuko siya at hinilot ang kaniyang mata. “I was a mess, Rius. Inisip ko na hindi ako karapat-dapat para sa 'yo dahil sa mga kapabayaan ko. Palagi tayong nagkakasikitang dalawa. I...couldn’t stand seeing you devastated because of me. Tuliro ang isip ko ng mga panahon na iyon at wala na akong maisip pa na iba kung hindi ang magpakalayo-layo. Patawad kung mas pinili ko ang sarili ko kaysa sa relasyon natin. Patawad kung iniwan kita...”

Suminghap ako nang medyo nakaramdam ng pagbigat ng dibdib, bagaman sa kabila niyon ay nakaramdam ako ng ginhawa. Finally, I said it. At kung hindi man niya ako magawang patawarin sa ngayon, maiintindihan ko. Maghihintay ako hanggang sa dumating ang araw na tatawanan niya na lamang ang mga nangyari sa nakaraan nang wala ng pait at sakit.

Nanatili siyang walang imik. Umuwang ang kaniyang labi na animo’y may gustong sabihin, ngunit sumarado rin iyon kaagad.

“You? Do you hate me?” Pinagmasdan ko ang nagdadalawang-isip niyang mga mata kung sasagutin niya ba ang tanong ko o hindi, kahit na alam ko naman sa sarili ko ang sagot.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now