Kabanata 5

11.1K 458 114
                                    


"Hey. H'wag mo naman i-murder 'yang omelette mo." Biglang sumulpot sa gilid ko si Greg at tumabi sa bakanteng bangko sa aking gilid.

Kanina pa ako nanggigil sa kutsara na hawak ko habang pinagmamasdan si Rius na nagsasandok ng kanin. Simula pa kasi kagabi nang nakauwi kami mula sa club ay hindi niya na ako pinansin. Hindi ko alam kung ano'ng problema niya. Nilambing ko na siya't lahat kahit labag sa loob ko pero walang epekto! Tinanong ko siya nang maayos; nag-insist pa ako na tabihan siya sa pagtulog kagabi kahit nakahihiya kina Nash at Greg, pero wala! Ano siya, babaeng nireregla?

"Ano bang problema n'on? May nangyari ba kagabi bago tayo umuwi?" bulong ko sa kaniya, tama lang para hindi marinig ni Rius.

"Si Zera ang tanungin mo. Sila ang magkasama kagabi." Parehas na napabaling ang tingin namin kay Rius nang marahas nitong hinila ang upuan na naglikha ng nakangingilong ingay. Inis kong kinain ang omelette hanggang sa napansin kong nag-angat ito ng tingin kay Greg at matalim itong tiningnan.

"Woah! Wala ako ginagawang masama, pare," si Greg na nagtaas pa ng dalawang kamay. "Alis na ako," bulong niya sa akin. 

Tumango ako hanggang sa tuluyan siyang lumabas ng kusina.

Nabalot ng katahimikan ang buong hapagkainan nang kaming dalawa na lang ni Rius ang natira. Pinanood ko siyang kumain habang sumusubo. Hindi talaga siya nag-aangat ng tingin sa akin, at kung tingnan naman niya si Greg ay para siyang lalaking may dalaw!

"Hindi mo talaga ako kakausapin? P'wede bang sabihin mo sa akin kung ano'ng problema? Hindi 'yong basta ka na lang tatahimik. Para kang bata." Alam ko kung paano magtampo si Rius; nakakaya niya akong hindi pansinin hanggang sa gustuhin niya, na kahit lumuhod pa ako sa kaniyang harapan at lumuha ng dugo ay hinding-hindi magbabago ang pakikitungo niya sa akin.

Ganoon katigas ang bungo niya! Kaya nga ayaw ko na nag-aaway kami dahil ganito ang nangyayari. Parang sobrang laki ng kasalanan ko upang tratuhin niya ako nang ganito.

"Uy. Beb..."

"Bilisan mo'ng kumain. Baka ma-late pa tayo." 

Kinagat ko ang aking labi nang tumayo siya, nagtungo sa sink, at inilagay ang pinagkainan doon.

Ang lamig ng boses niya. Gusto ko siyang sungitan pero para akong maiiyak! Kainis! Kung sino pa iyong mga taong malalapit sa akin, sila pa iyong mga abnormal! Si Anna napakaarte! Siya naman bugnutin! Mabuti na lang si Ethos matino at nagmana sa akin.

Sa sobrang inis sa kaniya ay mabilis akong nag-ayos ng sarili para pumasok. Ayaw ko siyang isabay! Bahala siya sa buhay niya! Sinusuyo na nga, ayaw pa rin tanggapin!

Ang malas lang ng magiging asawa niya balang araw! Paniguradong hindi pa sila nag-iisang taon maputi na ang buhok niya. Future husband mo, gurl bugnutin!

"Nakaalis na siya?" 

"Kaaalis lang. Ayon o."

"Lucy!" 

Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa akin at nagpatuloy lang sa paglalakad habang hawak ang strap ng bag ko. Nakita mo na? Lucy! Tinawag niya akong "Lucy". Ibigsabihin seryoso siya, o galit siya sa akin!

Hindi ko siya pinansin hanggang sa nakarating kami sa paradahan ng jeep. Ano'ng akala niya, siya lang ang marunong magtampo? Ako rin! Tingnan natin kung hindi siya makatiis kapag hindi ko siya pinansin.

"Mauna na ako." Halos malaglag ang panga ko nang pagkababa na pagkababa namin sa tapat ng tarangkahan ay nauna pa siya sa aking maglakad papasok.

Pumikit ako nang mariin. Talagang pinupuno ako ng lalaking ito. "Ayaw mo talagang sabihin kung ano'ng problema? O, di sige! Hahanap ako ng kausap ko! Bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko kahit may iilang mga estudyante ang napalingon sa amin. Nandidilim ang paningin ko na nagpalinga-linga sa paligid hanggang sa nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na mukha ng isa sa mga manliligaw ko rito sa school. "Khalel!"

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora