Kabanata 38

10.7K 316 30
                                    

"Also. . .I'm three weeks and five days pregnant with Rius."

Tila may kung ano'ng sumabog sa aking kalooban dahil sa bilis ng pagkalat ng galit sa aking sistema. Naramdaman ko ang kamay ni Rius na sinubukang higitin ang aking braso, ngunit huli na dahil mabilis akong nakapaglakad patungo sa stage, at sinugod nang malutong na sampal si Ysabelle. Naalarma ang mga bisita kasabay ng pag-atras at pagsinghap ni Ysabelle.

"Lucy!"

Napahawak siya sa pisngi kung saan dumapo ang palad ko at may takot at pagtataka akong tiningnan. "W-What is wrong with you!?"

"What is wrong with me?! What is wrong with you!"

"Lucy, stop!" Hinawakan ni Rius ang braso ko upang ako'y patigilin, ngunit pinilit kong magpumiglas sa kaniya habang matalim na nakatingin kay Ysabelle na may ilang staff na nakaalalay.

"Hindi! Rius, ginagamit ka lamang niya! Ano, atat na atat makasal kay Rius? Takot ma-bankrupt ang kompanya? O baka naman sa sobrang pagkadesperada mo nagpabuntis ka sa ibang lalaki para akuhin 'yan ni Rius?"

"Lucy, tama na! H'wag kang mag-eskandalo rito!" Pumulupot ang braso ni Rius sa aking baywang at pilit akong binubuhat, ngunit nagpapadyak ako sa sobrang galit.

Bakit niya ako pinipigilan? I am just saving his name! Kung hindi ko pa narinig kanina si Ysabelle sa banyo, hindi ko pa malalaman kung ano talagang plano nila.

"Bitawan mo ako! Rius!"

"Lucy, I thought we'd talked about this! You told me na ayos lang sa 'yo na ikasal kaming dalawa! Pagkatapos ngayon aagawin mo siya sa 'kin?"

"Aagawin?" Sarkastiko akong tumawa sa sinabi ni Ysabelle lalo na't ang ekspresiyon niya ay purong kainosentihan lang ang makikita.

Huh! Kung ang ibang tao kaya niyang santuhin, puwes ako hindi!

"You're right, I lied. It isn't my fault that you're a victim who easily gets fooled."

"Don't bring your issues here just because your mom chose us! Just accept the fact that I'm pregnant with Rius! Iyon lang naman ang ikinagagalit mo, 'di ba? Hindi mo matanggap kasi nagsinungaling ka lamang sa akin noong sinabi mong hindi mo na siya babalikan! Malay ba natin kung ginagamit mo lamang iyang anak mo para balikan ka ni Rius!"

Nanggalaiti ako sa sinabi niya at hindi na napigilan ang sarili na hilahin ang kaniyang buhok. Nagsigawan ang mga tao.

"Lucy! Fuck!"

"Walang hiya ka! Sisiraan mo pa ako kay Rius! Para malaman mo, mas kilala niya ako kaysa sa 'yo!" Marahas ko siyang itinulak na kaniyang ikinatumba. Marahas ko siyang pinagsasampal. Marami ang umawat sa aming dalawa, ngunit sa sobrang gulo na ng paligid ay hindi na rin magkamayaw ang mga tao.

"Bitawan mo ako!" Pilit niyang sinasangga ang mga sampal ko, kitang-kita ang mga luha na naglalandas sa kaniyang pisngi habang unti-unting umuusbong ang hikbi sa kaniyang bibig.

"Tang-ina naman, Lucy! Tama na sabi!" Mabilis akong nabuhat ni Rius kaya't mabilis na nakatayo si Ysabelle habang lumuluhang nakatingin sa akin.

"Sinungaling ka pa rin! You lied to me when you told me you wouldn't ruin my relationship with Rius! So stop acting like you're the victim here, Lucy! Kung mayroong naninira rito, ikaw iyon!" Bumaling siya kay Rius at nagmamakaawa itong tiningnan. "Rius, please. You know my situation. . .and I need you."

At sa tingin niya papanigan siya ni Rius?Hindi ko naiwasang mapahalakhak habang pinapanood ko kung paano niya tingnan si Rius.

"You're right, I lied. It wasn't my fault that you're a victim who easily get fooled by a villain. You don't have to be a saint, Ysabelle if you're being surrounded with villains."

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now