Kabanata 18

9.4K 304 29
                                    

Kalalabas ko lang sa restaurant matapos kong iwananan sa loob si Zarena.

Kung plastik siya, hindi ko siya paplastikan. Hindi ko kailangang itago kung naaalibadbaran ako sa kaniya, kapag gusto ko siyang murahin, mumurahin ko siya. Kapag ayaw ko sa tao, ayaw ko. Tapos ang usapan.

Ibinalik ko ang sumbrerong suot nang huminto ako sa paglalakad matapos tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko iyong kinuha sa bulsa ng aking pantalon. Lumawak ang ngiti ko nang nakita ang pangalan ni Rius. Kaagad ko iyong sinagot at humarap sa loob ng restaurant kung saan naiwang nakaupo si Zarena.

"Asawa ko." Napansin ko ang paglingon ni Zarena sa direksyon ko na mas ikinalawak ng aking ngisi. Sayang, dapat pala hindi ako nag-walk out para naman mapanood niya kung paano kami mag-usap ni Rius.

"Lucy."

"Hm?" Hindi ko naiwasang kumunot ang noo sa pagtawag niya sa akin. Nang napansin ko na pinapanood ako ni Zarena ay mabilis akong tumalikod sa kaniya.

"Nasaan ka?"

"Uh..." Luminga ako sa paligid. Hindi ko alam kung nasaang lupalop ako ng Tondo ngayon, o kung nasa Tondo pa ba ako. "Hindi ko alam... Tapos ka na sa OJT mo? Pupunta na ako r'yan."

"Lumabas ka?"

"Oo-" Hindi ako natapos sa pagsasalita nang bigla siyang nagmura.

"Diyan ka lang. Pupuntahan kita."

"Pe-" Lumukot ang noo ko nang bigla niya akong binabaan. Aba't! Ano'ng problema niya?

Tumingin ako sa screen cellphone ko nang nakatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya.

Rius:

GPS

Huminga ako nang malalim at nagsimulang maglakad patungo sa gilid ng kalsada bago binuksan ang GPS ng cellphone ko.

Ano namang pumasok sa isip niya at siya pa ang pupunta rito? Puwede namang ako na lang ang pumunta sa kaniya.

Abala ako sa paghihintay sa kaniyang pagdating habang tinatapik-tapik ang hita ko kasabay ng mga sasakyan na rumaragasa sa gitna ng kalsada. Huminto lang ako sa ginagawa nang muling tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon. Kumunot ang noo ko nang galing iyon sa hindi rehistradong numero.

Akmang pipindutin ko na iyon nang nabingi ako sa malakas na sigawan ng mga tao sa paligid.

"Miss! Masasagasaan ka!" Natuod ako nang lumingon ako sa kaliwang bahagi kasabay ng pagtutok sa akin ng liwanag ng sasakyan.

Tila bumagal ang lahat nang itaas ko ang aking kamay upang harangan ang mata kong nasusulo sa ilaw. Gusto kong tumakbo, ngunit tila nakapako na ang mga paa ko sa kalsada. Tuluyan ko na lang nabitawan ang cellphone ko nang sa isang iglap ay may mga braso ang yumakap sa akin kasunod nang pagtilapon namin sa kung saan.

Ramdam ko ang kamay na nakahawak sa ulo ko, ngunit hindi iyon sapat upang hindi ko maramdaman ang sakit mula pagkabagsak.

"Fuck! Lucy! Lucy!"

Gusto kong imulat ang dalawa kong mata, ngunit sa sobrang pagkahilo ay tuluyan nang bumigay ang dalawang talukap niyon.

Huling umalingawngaw sa aking pandinig ay ang tunog ng ambulansiya.

"The police already captured him, don't worry."

"Still, I was late. Fuck."

"It's okay. Thanks for saving my daughter. I owe you one, Isaac."

Napamulat ako ng mata ngunit pumikit din kaagad nang ang liwanag ng ilaw ang sumalubong sa akin. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at napansin na nasa isa akong puting silid, huminto lang ang paningin ko sa pamilyar na pigura ng lalaki na nasa may pintuan. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagsara niyon matapos may isang lalaki ang lumabas. Lumapit sa akin si Mr. Leonardo at nanlaki nang bahagya ang mga mata nang nakitang gising na ako.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now