Kabanata 11

10.5K 292 19
                                    

"I already talked to the CEO of the company, magkikita kami mamayang gabi. Rius," bumaling si Ate Vida kay Rius mula sa screen ng telepono, "ikaw ang papalit sa kaniya para pansamantalang magbantay ng puwesto. You'd be the one to meet their client for today. That's the perfect time to sneak inside the building. Alam n'yo na ang gagawin, Zeraphine ikaw na muna ang bahala sa kanila."

"Copy, Boss."

Katulad ng napag-usapan ay naghanda kami pagsapit pa lang ng alas sais ng gabi. Ako at si Rius ang in charged sa pagpasok sa loob ng opisina ni Mr. Ybasco, ang kasalukuyang Chief Executive ng kompanya na balak naming pasukin. Si Nash at Greg ang bahala sa pag-o-operate ng CCTVs, habang si Zeraphine ay magtutungo sa rooftop ng building upang manipulahin ang traffic lights upang pigilan ang pagdating ng dapat sana ay papalit sa puwesto ni Mr. Ybasco.

I fold the sleeves of my white button top that's hugging my curves, nakapaloob iyon sa aking pencil skirt kapares ng itim kong apat na pulgadang takong. Ipinusod ko ang aking buhok upang mas magmukhang pormal ang aking hitsura; inilugay ko ang ilang hibla niyon sa may banda kong tainga upang itago ang earpiece na nakakabit doon. Nakatulong ang light make up at prosthetics na inilagay si Zeraphine upang hindi madaling makilala ang hitsura ko. I then wear my sunglasses.

Isang sipol ang narinig ko matapos kong makalabas. Nagtungo ako sa harapan ng van ni Zeraphine.

"Sexytary." 

Umirap ako sa sinabi ni Rius na nakangisi at prenteng nakasandal sa gilid ng sasakyan. Katulad ko ay may kakaunting prosthetics siyang inilagay sa mukha. He's in his black three piece, and the same sunglasses I'm wearing.

"Let's go, guys. Ngayon ang oras ng pag-alis ni Mr. Ybasco kasama ang kaniyang secretary. Kailangan nating unahan ang papalit sa kaniya bago pa siya makabalik." Kaagad kaming sumakay sa loob ng van. Si Greg ang nasa driver seat na katabi ni Nash, sa gitnang upuan ay kaming dalawa ni Rius, habang sa hulihan ay si Zeraphine na abala sa kaniyang laptop.

Alas syete nang nakarating kami sa Makati, hindi kalayuan sa may building na dapat naming pasukin. Ayon kay Ate Vida ay ito ang oras kadalasang umaalis ang mga empleyado kaya madali kaming makakikilos.

Naghintay kami roon nang kalahating oras, at pinanood ang mga empleyado na lumabas ng establisyemento.

"I'll go at the exit of the building, Rius at Lucy p'wede na kayong pumasok." 

Magkasabay kaming tumango ni Rius kay Zeraphine bago lumabas ng sasakyan ni Rius. Si Nash at Greg naman ay sasabay kay Zeraphine.

Nasa may bungad pa lang kami ng lobby nang hinarang na kami ng guard. "Sino po sila?"

"Martin Ybasco. I'm here to take care of my brother's work that he left earlier," pakilala ni Rius bago inilabas ang kaniyang pekeng I.D upang iabot sa guard na ikinataranta naman nito.

"Ay sir, kayo pala 'yan, at..." Dumako ang tingin sa akin ng guard.

Ngumiti ako nang matamis. "His personal secretary."

Mabilis kaming pinagbuksan ng pintuan nito matapos iyon kaya nagmadali kaming pumasok sa loob. Ate Vida already told us the exact location of the floor and the office of the Mr. Ybasco, kaya naman dumiretso kaagad kami ni Rius sa elevator. Mabilis ang mga kilos namin nang nakarating kami sa 20th floor. Sumunod ako kay Rius dahil siya ang nakakaalam ng daan. Huminto kami sa isang itim na double doors na gawa sa bubog. Madilim sa parteng ito at iilang ilaw lang ang nakabukas.

"Naka-lock," si Rius na ikinaagaw ng atensyon ko.

"Teka." Inalis ko ang suot kong bobby pin; naging dahilan iyon upang malaglag ang ilang hibla ng aking buhok, ramdam ko naman ang paninitig sa akin ni Rius habang ginagawa ko iyon. "Tabi ka muna."

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now