Kabanata 40 (Part 2)

11.3K 304 30
                                    

Nagising ako sa mumunting pag-uga na aking naramdaman, at napangiwi sa sakit ng ulo. Kinapa ko ang aking noo at nasalat doon ang isang malagkit na likido na medyo natutuyo na. Sinipat ko iyon mula sa katiting na liwanag mula sa maliit na siwang ng bintana ng silid kung nasaan ako.

My eyes widen when I realize that it's a blood. Inlibot ko ang tingin sa buong silid at napansin ang isang maliit na katre na aking hinihigaan, maliit na lamesa sa gilid at isang bangko. The room looks neat, ngunit ramdam ko ang pag-uga ng lugar na aking kilalagyan.

Umalis ako sa kama at naglakad papalapit sa maliit na siwang ng bintana. Hinatak ko ang kurtinan niyon. Namilog na lamang ang aking mga mata nang mapagtanto kung nasaan ako. Kaagad akong tumungo sa pintuan upang buksan iyon, hindi naman ako nabigo dahil hindi iyon nakasarado.

Tinahak ko ang hindi kahabaang hallway hanggang sa tuluyan kong narating ang tuktok ng yacht. Doon ko nakita ang pamilyar na pigura ng babae na nakasandal ang dalawang kamay sa railings, pinapayad ng malakas na simoy ng hangin ang kaniyang buhok kasabay ng kaunting alon ng dagat habang humihithit ng segarilyo.

"Ano'ng ginagawa ko rito?"

Napukaw ko ang kaniyang atensiyon. Humarap siya sa akin. Humithit pa nang isang beses bago itinapon ang sigarilyo.

"Gising ka na pala. H'wag mo na rin tangkain na sumigaw o kung ano pa man, dahil walang tutulong sa 'yo rito kun'di ang mga pating na lulusob sa 'yo sa ilalim ng tubig sakaling mahulog ka."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Wala akong ideya kung bakit niya ako dinala sa lugar na ito. She was gone for years, at ngayon babalik siya at dudukutin ako? For what reason?

"Bakit mo 'to ginagawa? Ilang taon kang nawala, at tapos na rin kami ni Rius sa trabaho namin sa 'yo."

Humalakhak siya bago dahan-dahang naglakad papalapit sa akin. "I know. Wala naman talaga akong plano na idamay kayo ni Rius, pero putangina! Alam n'yo ang kasunduan, 'di ba? Kapag may naagrabyado walang mandadawit sa pangalan ng kahit na sino sa 'tin!"

Napailing-iling ako sa kaniya dahil hindi ko maintindihan kung ano'ng gusto niyang ipalabas. "Hindi ko alam kung ano'ng sinasabi mo. Walang nandadawit ng pangalan mo rito, Ate Vida!"

I don't know what happened to her for the past few years, kung bakit bigla siyang nawala. Siya ang pakay noon ni Mr. Villason, ngunit natigil din naman iyon matapos itong mabilanggo dahil sa ginawa sa akin. Wala akong maalala na dinawit ko ang pangalan niya sa kahit na ano, kahit siya pa ang pakay noon ni Mr. Villason hindi ko dinawit ang pangalan niya!

That was our golden rule before we decided to accept her job. Walang mandadawit sa pangalan ng kahit sino sa amin sa oras na may hindi magandang mangyari. We chose that job, kaya hindi na kasalanan ng bawat isa sa amin kung may papalpak sa trabaho.

"Wala akong sinasabi na ikaw ang may kagagawan."

"Then why am I here? Wala akong ginagawa kaya bakit ako ang pinili mong kuhanin! Ate Vida, nananahimik ako! I've done my part, and that's it! Hindi ko na kasalanan kung ano'ng nangyayari sa 'yo ngayon!" I respected her as our main leader of our group, dahil siya ang nagbibigay ng trabaho sa amin noon, ngunit kung babaliktarin niya ako sa ganitong sitwasyon, tuluyan kong kalilimutan ang pinagsamahan namin!

Malamig niya akong tiningnan bago siya humalukipkip at sumandal sa railings.

"I don't have a choice. Magpasalamat ka na lamang dahil kahit kating-kating ako na idawit ang pangalan n'yo sa mga kawalang hiyaan ko, hindi ko ginawa. At least do me a favor. Hayaan mo na lamang si Rius kay Ysabelle."

"Ano?" What is wrong with her? At ano naman ang kinalaman niya rito? Ano'ng makukuha kiya sa kagustuhan niyang maikasal si Rius kay Ysabelle? "Nababaliw ka na ba? Ano'ng mapapala mo sa ginagawa mo?"

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now