Kabanata 26

8.9K 291 25
                                    

Isaac is actually the first one who found out about my son, Ruiz, bago nalaman nina Anna at Ethos isang buwan matapos kong umalis ng Pilipinas. He was doing his confession at that time, which almost choke me. I mean, it's given already that we almost shared kisses before, but I didn't expect that the girl he was talking about that night when we were sitting on the counter was actually me.

Hindi ko alam kung paano niya ako nagustuhan dahil hindi niya naman sinabi, ngunit hindi ko rin naman maitatanggi na medyo kakaiba nga ang kaniyang kilos noon sa tuwing ako ang kaharap niya. He seemed so worried whenever something happens to me. Palagi siyang nandoon upang sagapin ako sa tuwing malapit ako sa kapahamakan.

"Hays. Kunwari ka pang ayaw mo sa akin, may intensiyon ka rin pala ha," pang-aasar ko sa kaniya noong isang beses kaming nagkita sa restaurant. Tiningnan niya lang ako nang masama kasunod ng pamumula ng dalawa niyang tainga.

Gladly, it wasn't something that's deep. Itinigil niya rin naman lalo na noong nalaman niya na buntis ako kay Rius. I still remember how he looked like after he found out about it. Pained, of course. Sino ba'ng hindi? Ni wala nga akong ideya na may gusto na siya sa akin ng mga panahon na iyon.

How cool, he fell for someone who took his wallet. Partida, sampung libo ang laman at ang kaniyang pinakamamahal na limang piso. 

"Bihis na bihis ka a." 

Umikot ang mga mata ni Anna sa akin bago inayos ang kaniyang camera. Lumayo siya roon nang bahagya kaya naman malaya kong naaninag ang kaniyang ubeng sleeveless cowl neck dress na hindi lalampas sa kaniyang tuhod. She grows up already. She's not a teenager anymore. Pakiramdam ko nga parang mas matangkad pa siya sa akin sa personal.

"Ganda ko, 'di ba?"

"Mana sa 'kin."

"Duh! Alam ko! Wait, tatawagin ko si Ethos para makita mo hitsura namin." Kaagad siyang lumabas ng kaniyang kuwarto. Ilang minuto ang nakalipas nang nakita ko ang pagpasok ni Ethos.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang napansin ko ang gray tuxedo na kaniyang suot. Gusto kong maiyak habang nakikita silang dalawa ngayon na malalaki na. Kung noon ay halos magkapantay lang ang height nina Anna at Ethos, ngayon naman ay halos hanggang leeg na lang siya ni Ethos. Lumaki siyang higante! Paano na lang kapag nandoon ako? Baka manliit ako kay Ethos!

"Binatang-binata ka na a. May jowa ka na?"

"Ate naman." 

Tumawa ako nang napakamot siya sa kaniyang batok. Hindi ko naman siya pagbabawalan kung mag-girlfriend siya. He's already in his second year college; computer engineering ang kinuha niya. Malaki na siya kaya alam na niya ang tama at mali.

Seeing them growing up so fast makes me feel proud. Mabuti hindi sila napagod. Mabuti hindi sila sumuko. Mabuti hindi ko sila sinukuan.

"And here is my Annika! Pakita mo rin si Ruiz." Kaagad na lumabas si Annika sa screen na kakulay kay Anna ang bestidang suot. Napangiti ako kaya naman kaagad kong tinawag si Ruiz na naglalaro sa ibaba ng kama.

"Nasaan si Jerome?"

"Nasa sala. Kami na lang ang hinihintay."

Tumango ako bago tinawag si Ruiz, "Come here, baby Ruiz. Your uncle and auntie wants to see you."

He stops from what he's doing and he run towards the bed where I am. Kaagad niyang inagaw sa akin ang cellphone at siya mismo ang humawak niyon.

"Uncle Ethos! Hi, Auntie Inday! Hi, Ate Annika!" 

Humagikgik ako nang nakita ko ang pagsimangot ni Anna.

"I told you to call me Auntie Anna, baby Ruiz. Ang bantot ng Auntie Inday!"

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now