Kabanata 40 (Part 1)

11.2K 251 42
                                    

Sa tuwing nakakikilala ako ng mga tao sa paligid ko-iba't ibang ugali, iba't ibang pananaw sa buhay, palagi kong naiisip ang mga posibleng rason sa likod ng pagkatao nila. Why do their lives seem so dull? Why are they always afraid of something? Why are they acting tough when they're actually fragile glass inside? Why are they so kind that people would use it to take advantage of them? Why do we lie and fool people?

May batas, ngunit kailan man walang naging patas. May hustisya, ngunit hindi sa lahat ng nararapat napupunta.

I've always wondered what the reason behind Ysabelle's kindness was: being terrified, shattered, and abused. Takot at pangamba na baka sa kaunting kibot, kaunting pagkakamali, ay isang bangungot ang bumalik sa kaniya. She chose to hide her aghast, because she thought that was her only choice.

Naalerto ako nang may biglang kumatok sa pintuan mula sa labas. Kaagad akong naglakad patungo roon at pinagbuksan si Mama at si Rius. It's been days since me and Rius visited Ysabelle. Nabalitaan ko rin mula sa kaniya na nakalabas na ito ng hospital. Hindi siya nakadalaw nang ilang araw rito dahil abala si Ysabelle at ang mga tauhan nina Mr. Pajares para sa kanilang kasal na sa isang araw na gaganapin, kaya bukod sa security guard at driver ay nagpadala rin siya ng tao na puwedeng magbantay sa amin ni Ruiz kapag may pasok.

Rius called me earlier. Ngayon lang siya nakakuha ng tiyempo na pumuslit patungo rito sa bahay dahil nakabantay ang mga mata ng bodyguards ni Mr. Pajares sa kaniya. Mukhang wala ngang balak na iatras ni Mr. Pajares ang kasal para lamang mapagtakpan ang kaniyang mga kasalanan. Si Mama naman ay hindi ko alam. Nakatanggap na lamang ako ng text mula kay Rius na kasama niya si Mama.

"Nasaan ang mga kapatid mo?" si Mama nang tuluyan ko silang pinapasok.

Maingat kong isinara ang pintuan. "Nasa trabaho si Anna, si Ethos ay may Saturday class."

Kinabig ni Rius ang aking baywang bago niya ako hinalikan sa noo. "Si Ruiz?"

"Nasa likod bahay. Nakikipaglaro kay Annika at Jerome."

Napatango-tango siya bago nagpaalam na pupuntahan muna si Ruiz. Pinaupo ko naman si Mama sa may sofa. Wala na ang bakas ng pasa sa kaniyang mukha, ngunit bakas pa rin ang ilan sa kaniyang braso.

Hinintay namin si Rius na makabalik bago kami nagsimulang mag-usap tungkol sa plano na aming gagawin. We can't just let Mr. Pajares do the things that he wants. Sobra-sobra na ang ginawa niya para magpakasarap pa siya sa kaniyang buhay.

"We made a sudden change of plan," panimula ni Rius, mariin akong tinititigan. "I'm canceling the wedding."

Suminghap ako, medyo naguguluhan sa narinig.

"I've asked Kuya Hayes for his help. Siya ang pinakuha kong abogado para sa kaso ni Ysabelle. Nakipag-ugnayan na rin ako sa mga pulisya bago pa ma-hospital si Ysabelle. We'll do the plan before the wedding day."

"What do you mean, before the wedding?" nagtataka kong tanong. Pinakingnan ko ang mga sinasabi ni Rius habang naiisip kung ano ang puwede kong gawin. "Susugurin ninyo ang mansiyon ng mga Pajares? Hindi ba delikado? Paano kung may mga back-up din siyang tauhan para makatakas siya?"

"H'wag kang mag-alala, Lucy. Ako na ang bahala r'yan. Kabisado ko ang mansiyon, puwedeng-puwede kong utuin ang mga bodyguards niya sa paligid."

Hindi naiwasang kumunot ng aking noo dahil sa sinabi ni Mama. I don't think Mr. Pajares is that kind of man who easily gets fooled. Nagawa niyang takutin ang kaniyang anak kaya posibleng may pagkatuso siya.

"Paano kung matunugan niya kayo? Hindi naman siguro siya tanga para basta na lamang maniwala na matutuloy talaga ang kasal." Dumako ang tingin ko kay Rius na nasa aking kaliwa na ngayon, nakahawak sa kaniyang labi at tila malalim ang iniisip.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora