Kabanata 3

12.5K 403 60
                                    

"Zarena?"

"Oh my gosh! Rius, ikaw nga!"

Napagilid ako nang bigla itong tumakbo sa gawi ni Rius at biglang sinalubong ng yakap. Parehas kaming napamaang ni Rius.

"After years nakita rin kita! I've been looking for you."

"Uh... mahabang kuwento, Zarena. Hindi ko akalain na magkikita pa tayo."

Umangat ang kilay ko nang napakamot si Rius sa kaniyang batok na tila nahihiya.

"Ano ka ba, you now I am willing to listen. Bakit bigla ka na lang nawala? Hinanap kita sa mga Costillano pero wala silang alam tungkol sa kung nasaan ka."

Magkakilala sila?

"Umalis na ako sa mansiyon, Zarena. Hindi na ako parte ng mga Costillano."

"Still, ginagamit mo pa rin ang surname ni Tito." Aba, at may pa-tito pa! "I missed you, Rius."

Nagsalubong ang kilay ko nang napakamot sa batok si Rius at unti-unting pumula ang tainga. Aba't! Ano siya? Teenager para kiligin?

Hindi na ako nakatiis. Tumikhim ako kaya naagaw ko ang atensiyon nilang dalawa.

"May kasama ka pala?"

Halos umikot ang mga mata ko sa tinuran ng babae. Obvious ba? Nakita na ngang katabi ako ni Rius!

"Ah, yeah. Si Lucy, kaibigan ko. Lucy, siya si Zarena. Malapit na kaibigan ng mga Costillano ang pamilya nila," pakilala ni Rius.

"Hi! Zarena Castillo." Inilahad ni Zarena ang kaniyang kamay sa harapan ko. Nanatiling nakaangat ang kilay ko ngunit kalaunan ay tinanggap ko rin iyon.

"Lucy Almarez."

"Great! Nice to meet you. So, rito kayo nag-aaral?" Itinuro nito ang university sa aming likuran.

"Nakita na ngang naka-uniform nagtatanong pa," bulong ko.

Tiningnan ko nang masama ni Rius matapos niya akong sikuhin nang marahan at pandilatan ng mga mata. O, bakit? Totoo naman a!

"Have you eaten your dinner yet? If not, I want to invite you for a dinner-"

"Libre mo?" biglaan kong pagsingit. Sinaway ako ni Rius, ngunit hindi ako nagpatinag.

"Yes, my treat-"

"O, e di tara na!" Magkasabay silang bumling sa akin nang lumalakad ko patungo sa sasakyan. Napakamot si Rius sa kaniyang noo habang nahihiyang tumingin sa akin. Arte naman nito!

Kapag libre, h'wag nang mag-inarte!

"Hindi mo naman-"

"I insist, Rius. Besides, I need a lot of time to talk to you."

Ngumuso ako sa narinig at humalukipkip. Nakalimutan ko yatang sabihin, mahal si Rius! Bawal siya sa kung sinu-sino lang!

"Five hundred pe-" Inakbayan ako ni Rius at mabilis na tinakpan ang aking bibig.

"Huwag ka nang humirit. Ililibre ka na nga," bulong niya. Umirap ako.

Tumikhim si Zarena kaya bumalik ang tingin namin dito. "Sumakay na kayo."

Sa backseat ako umupo habang si Rius naman ay sa passenger's seat. Hindi naiwasang bumilog ng aking bibig nang napansin ang kalinisan ng sasakyan. Wala itong bubong kaya naman ramdam na ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin.

Magkano kaya ito? Yayamanin pala itong si Zarena.

Huminto kami sa isang mamahaling restaurant. Mula sa labas ay kitang-kita ko ang mga nagtataasang mga Christmas trees at Christmas lights. Hindi naman ito ang unang beses na nakapunta kami ni Rius sa ganito kagarang restaurant, halos sa ganitong lugar din kasi kami nagpupunta kapag may trabaho kami kay Ate Vida.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now