Kabanata 31

9.2K 297 15
                                    

Kusa akong tumayo nang may dalawang kamay ang humigit sa aking braso. Tuluyan kong nabitawan si Ruiz mula sa aking pagkakahawak dahil doon; nagsimula na rin dumami ang mga taong nakikiisyuso sa paligid.

"Okay ka lang ba, Miss?" Hindi ako nakasagot sa babaeng tumulong sa akin sa pagtayo dahil napako ang paningin ko kay Rius na ngayon ay katatayo lamang, at awang ang mga labi habang nakatingin sa gawi ni Ruiz.

"M-Mommy..." 

Bumaba ang tingin ko kay Ruiz. Lumuhod ako kaagad nang napansin ko na umiiyak ito. Hinaplos ko ang pisngi nito at saka ko ito hinalikan sa noo. "I'm sorry, baby. Ayos ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?"

Mabilis siyang umiling sa akin at saka ako dinambahan ng yakap. "I-I'm scared..."

Niyakap ko siya nang mahigpit at saka hinaplos ang kaniyang buhok. I firmly close my eyes, somehow feeling relieved. Thank God, he's safe.

"I'm here. Mommy's here, baby." Tumingin ako sa rider ng motor nang may mga pulis na lumapit dito upang hulihin. Bagaman nawala rin ang atensiyon ko roon nang nahagip ko si Rius na ngayon ay punong-puno pa rin ng pagtataka ang hitsura. Balak ko sanang magsalita nang dumating sina Ethos at Anna.

"Ate!" Kaagaran silang lumapit sa akin; hindi nakaligtas ang panlalaki ng kanilang mata matapos magawi ang paningin kay Rius. "K-Kuya Rius..."

Dumilim ang ekspresyon ni Rius bago nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa aking mga kapatid. Kinagat ko ang aking labi bago kumalas ng yakap sa aking anak.

"Kay Uncle Ethos ka muna, okay? May kakausapin lang si mommy." Tumango siya sa akin kaya naman sinenyasan ko si Ethos na buhatin muna si Ruiz na ginawa naman nito kaagad. "Susunod ako," saad ko sa kanila bago siya naglakad papaalis. Nakita ko pang sumulyap sila kay Rius na ngayon ay hindi maipinta ang ekspresyon.

Nang tuluyang nawala sa paningin ko sina Ethos ay 'tsaka lamang ako nagkaroon ng pagkakataon na salubungin ang matalim na mga mata ni Rius.

"Salamat sa pagsagip." Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng nangyari ay nagawa ko pa rin ituwid ang mga salita ko, siguro dahil alam kong wala na akong maitatago pa sa kanina. Nakita niya na. Ang labo na lamang siguro ng mata niya kung iisipin niya na hindi sa kaniya si Ruiz.

"That's it? 'Yan lang ba ang sasabihin mo sa akin? Matapos ang nakita ko?" 

Natutop ko ang aking bibig nang humakbang siya papalapit sa akin habang salubong ang dalawang kilay. Medyo narumihan na ang suot niyang itim na coat, ganoon din ang kaniyang trousers. Ultimo kaniyang buhok na maayos na nakaparte sa kaliwang bahagi.

Huminga ako nang malalim. Alam kong iinit ang ulo niya matapos niyang malaman ang katotohan kaya hindi ko na iyon gagatungan pa. "Ano'ng gusto mong sabihin ko? Nakita mo naman na, 'di ba? You look exactly like him, kaya sa tingin ko alam mo na ang sagot sa tanong mo."

Hindi nakatakas sa akin ang malutong niyang pagmumura nang bumaling siya sa kaliwang bahagi. "I have a son," bulong niya bago siya pumikit nang mariin, tagis ang bagang na bumalik ang mga mata sa akin. "You've been hiding my son away from me?"

"Rius, hindi—"

"Then what?" Humakbang pa siya palapit sa akin at sinakop ang kakarampot na pagitan naming dalawa. "Kung hindi pa makikita ng dalawang mata ko, hindi mo sasabihin? For God's sake, you've carried him without me knowing! I didn't know I have a son! Bakit hindi mo sinabi?"

"Ikakasal ka na—"

"Fuck! And what makes you think that it'll stop me from being a father? Limang taon! Limang taon, Lucy! Ganoon mo ba kaayaw sa akin kaya pati anak ko inilayo mo?" 

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon