Kabanata 36

10K 308 44
                                    

Suminghap ako, kusang umagos ang mga luha paibaba sa aking pisngi. Bakit nga ba ngayon lang? Bakit hindi noon? Noong wala pang Ysabelle. Noong ako lamang.

Marahas kong pinahid ang mga luha at saka lumingon sa kaniya. "Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ni Ysabelle."

Sa isang iglap ay nagtagis ang kaniyang bagang. Tila may kung ano akong sinabi na nagpasama ng kaniyang kalooban. Pumikit siya nang mariin at hinilot ang kaniyang mata bago siya tumayo at nagmartsa patungo sa pintuan. Mabagal at mabibigat ang yabag na tila may mabigat na pasanin.

Part of me wants to pull his arm and just tell him to stay, but I won't. Tama na ang sakit na ibinigay ko sa kaniya sa pagiging duwag ko noon. At ngayong nakakuha na ako ng determinasyon na harapan siya, at saka pa naging huli ang lahat.

"Ysabelle's mom. . ." I blurt out that makes him halt from walking away, "she's my biological mother."

Kita ko ang pagkatuod niya kaniyang puwesto. I just thought that he needs to know about it.

Hindi siya nakagalaw kaya't nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"I'm not going to say this for you to change your heart and mind, but. . ." I tremble, "it's always been you, Rius. Patawarin mo sana ako kung naging duwag ako noon. I just couldn't hold on to you knowing we were both broken." Hindi siya nagsalita, at nanatiling tuod sa kaniyang kinatatayuan. "I'll let you with Ysabelle, but I hope you let me to be someone too. . .kung wala ka naman planong. . .kompletuhin ang pamilya natin."

Mabilis akong nagmartsa patungong hagdanan, hindi na tiningnan pa kung lumingon ba siya sa aking direksiyon o nagpatuloy siya sa paglabas ng kabahayan.

My heart is breaking into pieces. Hindi ko alam na ang durog kong puso ay may ipipino pa pala sa paraan ng pagtalikod. Dahil alam ko, sa oras na gawin ko ito, alam ko sa sariling binibitiwan ko na siya; na tanggap ko nang hindi mabubuo ang pamilya namin; na hindi na ako, at hindi na magiging ako kailanman.

"I feel guilty."

Kusang tumigil ang mga matapos marinig ang boses niya.

"Ysabelle's a good woman, Lucy. She doesn't deserve this."

Nilunok ko ang bukol sa aking lalamunan bago siya hinarap. Hindi ko naiwasang magtaka at mangunot sa noo sa lumbay na sumibol sa kaniyang mga mata. Para saan? Nalulungkot ba siya para sa akin? Is he pitying me now?

"Mahal mo ba talaga siya?" Alam kong sinabi niya na sa akin noon ang sagot, ngunit gusto ko pa rin malaman kung ganoon pa rin ba ang nararamdaman niya.

Mapait siyang ngumiti at isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon. "I care about her."

"That's not my question. Mahal mo ba s'ya?" Pinakatitigan ko ang mga mata sa kabila ng lungkot na bumabalot doon, naghahanap ng kasagutan. Paano kung sabihin niyang hindi, Lucy? Ano ang binabalak mong gawin? You'll going to be a third party? Kabit? Mang-aagaw?

Umawang ang kaniyang bibig, animo'y may gustong bigkasin ngunit bumalik din iyon sa pagtikom. Kalaunan ay huminga siya nang malalim at umayos ng tao.

"I need to go. Tell Ruiz I'm leaving."

Hindi ko nagawang makapagsalita nang talikuran niya ako at saka siya direstong lumakad palabas. Para akong tangang nakatunganga roon, pinapanood ang kaniyang pigura hanggang sa mawala siya paningin ko.

I guess it's a yes then.

Lunes ng gabi gaganapin ang birthday ni Ysabelle nang binuksan ko ang invitation card, tatlong araw mula ngayon. Hindi ko maisip kung sasabihin ko ba iyon kina Anna at Ethos, pero may punto rin naman si Mama. Paano kung gusto pa siyang makita ng mga kapatid ko? Hindi naman ako ganoon kasamang kapatid para ipagkait sa kanila iyon.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin