Kabanata 29

8.8K 261 39
                                    

"Ano ba 'yan! H'wag mo naman pagbuntungan ng inis 'yang keyboard ng laptop ko!" 

Hindi ko pinansin ang pagrereklamo ng katabikong si Anna rito sa kabahayan dahil sa pagsasalabong ng aking kilay habang itinitipa ang pangalan ng fiancee ni Rius.

Ysabelle Pajares.

Hindi ko alam kung bakit tila naging interesado ako sa babaeng ito at nagawa ko pang itanong kay Anna ang totoo nitong pangalan. Siguro dahil masyado akong nagtataka sa kung paano ito nagustuhan ni Rius. O, sige na! Mukha nga siyang santo katulad ng kuwento sa akin ni Anna, pero may kung ano sa kaniya na hindi matahimik ang aking isip.

She's not just Ysabelle and Rius's fiancee, parang may mas malalim pa ako na gustong malaman tungkol sa kaniya. 

Mga magazine articles ang lumabas doon na siya ang cover. Nalaman ko na isa siya sa mga modelo ng sarili nilang clothing company na nakabase ngayon sa Makati. May malaki silang boutique sa may Pasay pati na rin sa Taguig at Quezon City. Lumabas din doon ang iilang branch nila sa ibang bansa na parte lamang ng Asia.

She's a model, and rich.

"Nagseselos ka sa kaniya?"

Umismid ako sa tanong ni Anna. "Kahit maghalikan pa sila sa harapan ko wala akong pakialam. Ang concern ko lamang ay ang anak ko."

"Talaga bang ayaw ka ng pansinin ni Kuya Rius?" 

Hindi ko sinagot ang tanong niya at nagpatuloy sa pagbabasa ng mga articles tungkol kay Ysabelle. 

"Kung sabagay, ni hindi siya nagtanong sa akin o kay Ethos man lang kung kumusta ka na nga ba noong nasa Italy ka. Hindi mo rin naman siya masisisi. Baka masyado siyang nasaktan sa ginawa mo."

Tumigil ako sa pagbabasa at itiklop ang laptop. "Alam ko. Naisip ko na rin 'yan, pero kailangan ba dapat ganoon niya ako tratuhin na parang ibang tao ako?" Naikuwento ko kasi sa kaniya ang nangyari sa restaurant kahapon. Naiintindihan ko naman kung bakit ganoon si Rius.

I can tell he was upset by the way he looked at me yesterday. Siguro dahil nakisawsaw ako sa kanila ni Ysabelle, o ayaw niya akong makita. Pero kailangan bang humantong sa ganoon? Mahaba rin naman ang pinagsamahan naming dalawa, ngunit kung tingnan at tratuhin niya ako ay parang isa akong bagyo na dumaan lang sa buhay niya upang manira.

"Puwedeng...hindi pa siya nakaka-move on?"

Iritado akong bumaling kay Anna. "Ikakasal na pagkatapos hindi pa nakaka-move on?"

Umirap siya sa akin bago humalukipkip at sumandal sa headboard ng sofa. "Iniisip ko lamang ang mga bagay na posible. Puwedeng kaya ganoon ang reaksyon niya dahil naaapektuhan pa rin siya sa 'yo, o puwede rin namang sa sobrang pananakit mo sa kaniya, hindi na niya gusto na makita ka pa."

Napabukol ang dila ko sa gilid ng aking pisngi, iniisip ko ang sinabi niya. Imposibleng hindi pa siya nakaka-move on dahil ikakasal na siya. Hindi niya naman siguro pakakasalan si Ysabelle kung hindi niya iyon mahal... Napangiti ako nang mapait.

At mas lalong hindi siya magagalit nang ganoon sa akin noong natapunan ng juice si Ysabelle kung hindi niya iyon mahal. Baka nga... baka purong galit na lamang ang natira sa kaniya para sa akin at tuluyan nang kinalimutan na minsan akong naging parte ng buhay niya.

Tama si Anna. sinaktan ko siya kaya may karapatan siyang magalit sa akin. Hindi ko siya masisisi kung tila pinapatay niya ako palagi sa tuwing titingin siya sa akin dahil talagang nasaktan ko siya... pero nasaktan din naman ako. Pinili kong umalis, pero hindi ibigsabihin niyon ay ginusto ko siyang iwanan.

I was still in mourning for our first child at the time, and we were both broken. I expected him to mend himself. I wanted to help myself, but instead we ended up hurting each other. Ako naman talaga itong takot maiwan, ngunit ako rin pala ang gagawa niyon sa kaniya. O baka naman napagtanto niya na hindi naman talaga ako karapat-dapat para sa kaniya? That I am not truly valuable. We just lost our baby due to my negligence, and I had hurt him at the point... big time. Sapat na iyong rason para kamuhian niya ako dahil isa akong pabayang ina.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now