Kabanata 37

9.9K 277 31
                                    

Umuwang ang aking bibig. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tanong niya o hindi. Pansin ko ang tingin sa akin ni Mama, ngunit nang bumaling ako sa kaniya ay kaagad siyang umiwas.

"Ako nga po."

Ngumisi sa akin si Mr. Pajares. Huminto ako nang medyo nakaramdam ng kilabot. He looks. . . I don't know. Hindi ko maipaliwanag. Basta may kung ano sa kaniya na hindi ako komportable.

"I see. Itong si Lucianna, dapat sinabi sa 'kin nang maaga na may mga anak pala siya. Tatanggapin ko naman." His voice is polite, yet the sharpness of his eyes are visible.

Dumapo ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ni Mama at napansin ang diin doon.

"Wala ka bang sasabihin sa kanila, Lucianna? Mukhang nam-miss ka na ng mga anak mo."

My mom's about to speak when Anna laughs sarcastically.

"Of course not, sir. Nandito lamang naman kami para pagbigyan ang gusto niya. Well guess what, Mama? Okay na kami nang wala ka."

"Anna!" suway ko, ngunit hindi niya ako pinagtuunan ng pansin.

Sumulyap ako kay Mama at nakita ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mga mata. I shouldn't care. Nandiyan naman ang asawa niya para alalayan siya, ngunit ayaw ko lamang na mag-eskandalo si Anna lalo na't panauhin lang kami.

"Excuse me. Baka hinahanap na ako ng anak ko." Nagmartsa si Anna pagkatapos niyon bago dumako ang paningin ni Mama kay Ethos.

"Ethos, anak - " Hindi pa si Mama tapos sa pagsasalita ay kaagad na rin siyang tinalikuran ni Ethos. Napabuntonghininga ako.

"I guess, I should leave the two of you alone?" si Mr. Pajares na tinanguhan ni Mama. Tumingin pa ito sa akin nang may mapanuring mata, ngunit naglakad na rin paalis kalaunan kaya naiwan kaming dalawa ni Mama.

"Salamat sa pagpunta, Lucy."

Imbis na sumagot sa tanong niya ay tumango lamang ako.

"Apo ko ba 'to?" Nagbaba siya ng tingin kay Ruiz.

Tumunghay ang anak ko. "Who is she, Mommy?"

Yumuko ako upang marahang haplusin ang kaniyang buhok, may ngiti sa labi. Dumako ang paningin ko sa isang sulok kung saan ko nakita ang pamilyar na bulto ni Rius, nakasilip sa aming direksyon. Umangat ang kaniyang kilay nang nakita niya ako. He's wearing a blue tuxedo; his hair is in his usual style.

"Punta ka muna kay daddy. Look." Itinuro ko ang puwesto ni Rius. "He's there," pagkasabi ko niyon ay kaagad siyang tumakbo patungo kay Rius. Ngumiti ako nang sinalubong siya ng yakap ni Rius at kinarga nang mahigpit.

"Lucy."

Tumayo ako at bumalik ang tingin kay Mama.

"Tama ba ang naiisip ko? Si Rius ang tatay ng anak mo?"

"Hm."

"Pero, Lucy ikakasal na siya kay Ysabelle - "

"I'm not blind. Alam ko ang relasyon niya kay Ysabelle, pero hindi ibigsabihin n'on na ipagkakait ko na ang anak ko kay Rius."

"Nag-aalala lang naman ako sa kalagayan mo. Si Juandro ay - "

"Puwede ba, 'Ma." Pumikit ako nang mariin upang pakalmahin ang sarili. Kung kokontrahin niya lamang ang gusto ko, hindi ko na dapat siya kinakausap pa. "H'wag kayong umakto na parang nag-aalala kayo. Kung kayo nakaya n'yo kaming iwanan at hindi buohin ang pamilya natin, puwes ako hindi. Hindi ako katulad ninyo, 'Ma. Excuse me."

Hindi siya nakapagsalita matapos ko siyang talikuran. At saka pa siya mag-aalala ngayong malalaki na kami? Sana ginawa niya iyon noong halos gumagapang na kami para lamang makakain sa loob nang isang araw, pero hindi. Pinabayaan niya kami.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon