Kabanata 22

9K 266 86
                                    

Kapag daw kumapit ka sa patalim, puwedeng bad karma mismo ang humabol sa 'yo, o iyong mga taong nagawan mo ng atraso. Paano naman kung pareho? Paano kung bago ka naman kumapit sa patalim, naranasan mo munang masugatan at masira? 

Ang tagal kong hinagad na makarating sa rurok para sa mga kapatid ko. Matapos kaming iwanan ni Mama, nilunok ko ang lahat kahit nakapapaso; tiniis kong abutin ang tuktok kahit alam kong mahirap; tumakbo ako kasama ng dilim; pinaghandaan ko ang mga bagay na puwedeng mangyari, ngunit sa kabila ng iyon...magugulat at magugulat pa rin pala ako.

Hindi sapat ang tanong na "paano" upang makita ko kung ano ang kakabig sa akin sa hinaharap. Paano kung ganito, ganiyan? Masyado kong inisip ang kapakanan ng iba; ang pangangailangan nila hanggang sa punto na nakalimutan ko na ang sarili ko. Naging pabaya ako. Naging pabaya.

Napakapa ako sa aking likuran nang may biglang may nagbato ng unan sa akin.

"Hoy ano na? Hihilata ka na lang diyan? Iinom-inom, pagkatapos hindi naman pala kaya." 

Iritado akong napakamot sa aking tainga nang narinig ko ang boses ni Anna. 

"Bumangon ka na! Marami ka pang lilinisin! Hindi kita pinatira rito para maging buhay prinsesa a!"

Kaagad akong napamulat ng mata nang napagtanto kung ano ang mga pinagsasabi sa akin ni Anna. Bumalikwas ako ng bangon at kaagad siyang tiningnan nang masama. "Walang hiya ka!" Akmang babatuhin ko siya ng unan nang mabilis siyang tumakbo palabas ng kuwarto habang tumatawa. "Para sabihin ko sa 'yo, ako ang nagbabayad ng renta rito!"

"Joke lang naman! Nagpapraktis lang ako maging senyorita e! Peace." Nag-peace sign siya sa akin bago nagmadaling bumaba ng hagdan. 

Umiling na lang ako bago isinarado ang pintuan. Balak ko sanang bumalik sa kama nang napahinto ako sa harapan ng salamin. Nanlaki ang mga mata ko at napakapa sa suot kong tube dress. Gulo-gulo ang aking buhok, at nagkayat din ang lipstick sa aking bibig. May pulang marka sa itaas ng aking dibdib. Napatakip ako sa aking bibig. Hala!

Tila sirang plaka na nagpaulit-ulit sa utak ko ang mga nangyari kagabi. Ako...si Isaac...sa sasakyan niya...

Umatras ako at suminghap. Hindi ba panaginip lang iyon? Panaginip lang noong—napasabunot ako sa aking buhok at tila baliw na napasigaw na lang bago ako nagmadaling pumasok sa banyo at padabog iyong isinara.

"Ah! Isaac, papatayin kita!" Alam kong magkasama kami sa sasakyan kagabi. Paano namin ginawa? Kumandong ako sa kaniya? Ginawa ba namin iyon habang nakakandong ako sa kaniya Siya ba ang naghatid sa akin dito?

Inis na ginulo ko ang aking buhok at mabilis na naghilamos ng mukha, ngunit hindi ko pa tuluyang naaayos ang sarili ko nang bigla akong nakaramdam ng pagbaliktad ng sikmura. Kaagad akong dumiretso sa toilet at napangiwi na lamang nang halos isuka ko lahat ng mga nainom ko roon kagabi.

Kadiri! Ah!

Matapos mahimasmasan ay lumabas na rin ako ng banyo habang paulit-ulit na minumura sa aking isip si Isaac dahil sa ginawa niya sa akin. Makita ko lang talaga ang pagmumukha niya, malilintikan siya sa akin!

Matalim ang tingin na dumako ang mga mata ko sa aking kama nang tumunog ang cellphone ko roon. Kinuha ko iyon at napansin ang hindi kilalang numero. Ayaw ko sana iyong sagutin dahil baka ito pa ang mapagbuntungan ko ng inis, ngunit sa huli ay sinagot ko rin.

"Ano raw?" singhal ko.

"Woah. Didn't know you're this hot headed in the morning. Nag-expect pa naman ako na sexy ang boses mo kapag umaga." 

Muling nanlaki ang dalawa kong mata nang nakilala ko ang pamilyar niyang boses. "Hayop ka, Isaac! Nasaan ka? Magpakita ka sa akin nang mapatay kita! Ang kapal ng mukha mong pagsamantalahan ako kagabi!" 

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now