Kabanata 20

9.9K 298 84
                                    

"Rius Costillano!"

Nagpalakpakan kaming lahat nang umakyat si Rius sa stage upang tanggapin ang kaniyang diploma.

Humiyaw ako, "Asawa ko 'yan!" Nagtawanan ang karamihan na pumailanlang sa buong paligid. Napansin ko naman ang pagtawa ni Rius sa akin habang naiiling-iling pa.

Hindi man siya ang valedictorian, ngunit hindi ko naiwasang mapangiti nang malawak sa sobrang saya dahil matapos ang ilang taon na pagpupursige ay naka-graduate na rin siya.  Mahirap bago niya narating iyan, at ngayong nakikita ko kung gaano katamis at kalawak ang ngiti sa labi, masasabi kong sulit lahat ng sakripisyo; sulit lahat ng paghihirap namin ni Rius.

Nakibati rin sina Tito Hermes at Tita Selma pati na rin ang iba pang mga Costillano na dumalo sa graduation para lang mapanood si Rius. Hindi ko alam kung ilan ang magkakapatid na Costillano ang nandito, ngunit ang naipakilala lang sa akin ni Rius ay si Tito Hermes at Tito Hedius pati ang anak nitong si Kuya Hayes. Wala si Sir Thomas, gayunpaman ay naipakilala ako ni Rius sa anak nitong si Zideon na nandito rin.

"We're so proud of you, hijo. How about a family dinner after this?" Pumayag ang lahat sa sinabi Tita Gracia, asawa ni Tito Hedius. Bale si Sir Hedius ang pinakapanganay sa mga Costillano kaya ito ang nakakuha ng puwesto bilang CEO ng COST Group, na paniguradong kay Kuya Hayes ipapasa sa susunod.

Sa totoo lang ay maayos naman ako sa pamilya nila, tanggap nila ako bilang girlfriend ni Rius, at isa iyon sa bagay na ipinagpapasalamat ko.

Hindi na kami nakapagpalit pa ni Rius dahil dumiretso na kaagad kami sa mismong restaurant kung saan napagplanuhan na maghapunan.

"What's your plan now, Rius, that you graduated?"

"Balak ko po sanang mag-masterals."

"Pero mahihirapan ka dahil sa susunod na buwan ay ikaw ang uupo bilang COO ng COST Group," panimula ni Tito Heduis.

"I'll manage my time, ayaw ko naman pong sayangin 'yong kurso na pinag-aralan ko," kuwento ni Rius.

Nito ko lang din nalaman na mga condominium building at restaurant ang pinapatakbo ng COST. Kung hindi pa sa akin sinabi ni Rius ay talagang hindi ko malalaman dahil hindi naman ako nagtatanong. Muntik pa akong masuka nang malaman ko iyon sa sobrang pagkalula. Kung sa ibang panahon ay baka naging parte na ang mga Costillano sa listahin ng mga taong lilinlangin namin, ngunit iba na ngayon. Marami-rami na ang nagbago sa amin ni Rius.

Nang natapos ang hapunan ay umuwi na rin kami ni Rius. Halos kami na lang nina Anna, Ethos at siya ang naiwan sa bahay. Umalis na rin kasi ni Nash; kaya pala nawala ito nang mahigit isang linggo noon ay dahil sa pagkawala ng nakababata nitong kapatid na babae. Noon ko nga lang din nalaman na may pamilya rin pala si Nash.

Katatapos ko lang maligo nang nakatanggap ako ng tawag mula kay Dad. Hinayaan kong nakatapis ang tuwalya sa katawan ko nang umupo sa kama at sinagot ang tawag.

"Dad. How are you?"

"I'm fine, sweety. How 'bout you?"

"Perfectly fine. What's with the sudden call?" Ang alam ko kapag around eight to nine p.m. ay nagpapahinga na siya.

"I just want to remind you that I'm going to fly back in Italy next next week. Aren't you really coming? Or at least have your vacation with me there, your class just ended."

Napakagat ako sa aking labi. "Dad, napag-usapan na po natin 'to, 'di ba? At saka ayaw kong iwanan sina Anna at Ethos. Kung isasama ko naman sila r'yan, hindi papayagan nina Mang Tonyo si Anna." Kinausap kasi ako ni Aling Pasing noong bumisita sila rito, gusto nilang kuhanin si Anna at sa kanila na tumuloy dahil dito na rin sila sa Maynila maninirahan upang dito ipagpatuloy ang pag-aaral ni Jerome, at hindi ako pumayag kahit mukha silang mabait sa paningin ko. Kabarkada pa naman nito si Tita Asunscion, baka mamaya may tinatago rin itong mga sungay.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now