Kabanata 12

9.6K 350 59
                                    

"Hindi kami kukuha. Tapos ang usapan." Mabilis na hinablot ni Rius ang aking braso papalabas ng head quarters ni Ate Vida.

Dito kami dumiretso matapos naming malaman ang laman ng suitcase—na mga pakete pala ng shabu. Kanina pa badtrip si Rius at napilitan lang pumunta rito.

"But, Rius! You two are into this!" sigaw ni Ate Vida na nakasunod sa amin.

Hindi lumingon si Rius at nagpatuloy sa paghila sa akin.

Nakakakaladkad na niya ako kaya huminto ako sa paglalakad. "Rius, sandali. Kinakausap ka pa ni Ate Vida!"

Inis siyang lumingon sa akin at tinapunan ako ng tingin na may pagbabanta. "Uuwi na tayo," mariin niyang saad kasabay ng paghigpit ng kapit niya sa braso ko. Huli siyang bumaling kay Ate Vida na nakasunod sa amin. "Pasensiya na, pero hindi ganitong trabaho ang gusto naming pasukin. Kayo na lang kung gusto n'yo."

Bumaling ako kay Ate Vida na napaiiling na lang kay Rius. "But have you ask Lucy? Paano kung ikaw lang pala ang may ayaw? Come on, Rius! You're just going to sell those, two times bigger than its original price! Doble-doble ang kikitain natin dito!"

Bumalik ang tingin ko kay Rius at napansin ang pag-igting ng kaniyang panga. "No," matigas niyang wika bago niya ako tuluyang kinaladkad hanggang sa nakarating kami sa gilid ng highway upang maghintay ng taxi.

Hindi ako umimik sa buong biyahe namin pauwi, bukod sa baka sigawan niya ako ay iniisip ko rin ang dahilan niya kung bakit siya umatras. Alam ko naman na hindi tama itong ginagawa namin at posible kaming mapahamak, pero sa tingin ko naman ay madali lang ang pinapagawa ni Ate Vida.

Ano'ng mahirap sa pagbebenta? Lalo na kung sa mga high end bars kami magpupunta, paniguradong marami kaming kikitain. Baka nga tuluyan ko nang mabili iyong bahay na gusto ko para kina Anna at Ethos, nang sa gayon ay mailipat ko na sila rito sa Manila.

"Rius... Rius, kung... kung gawin na lang kaya natin 'yong gusto ni Ate Vida?" panimula ko nang nakapasok kami nang tuluyan sa bahay.

Humarap siya akin at hindi ako makapaniwalang tiningnan. "Nababaliw ka na ba? Hindi. Hindi ako papayag." Bakas ang determinasyon sa kaniyang boses na animo'y isa iyong pader na wala ibang puwedeng tumibag.

Sinundan ko siya nang naglakad siya patungo sa kusina. "Pero Rius, tama si Ate Vida. Tayo ang naghirap na kuhanin iyon, galing pa 'yon kay Mr. Gerja. At saka kung do'n pa lang doble-doble na 'yong kikitain natin—"

"Bullshits!"

Napaigtad ako nang bigla niyang hinampas ang lamesa. Nanlalaki ang mata ko siyang tiningnan habang matalim ang tingin niya sa akin. Kailan man ay hindi ko siya nakita na magalit nang ganito, ngayon lang. Para akong mabubuwal sa puwesto ko dahil sa matalim niyang mga titig.

"Ganiyan na lang ba palagi? Pera-pera na lang ba sa 'yo lahat? Huh, Lucy?"

Suminghap ako sa tinuran niya. Gusto kong hanapan ng butas kung bakit niya iyon biglang nasabi sa akin ngunit hindi ko magawa dahil sa biglaang pag-usbong ng inis sa aking sistema. Ni minsan hindi ko inisip na kaya ko ito ginagawa ay dahil kailangan ko ng pera para sa mga bagay na gusto ko, dahil para iyon sa mga kapatid ko! Pagkatapos siya? Ganoon ba ang tingin niya sa akin? Na kaya ko ito ginagawa ay para lang sa pera?

"Gano'n ba ang tingin mo sa 'kin? Bakit? 'Di ba ikaw nagdala sa 'kin dito? Kung hindi naman dahil sa 'yo wala tayo rito, 'di ba? Ikaw nagpasok sa 'kin dito, Rius! Ginusto natin 'tong pareho! Pagkatapos ngayon aatras ka? Idadamay mo pa ako!"

Napahilamos siya sa kaniyang mukha, at naglakad sa aking puwesto. Mariin niyang hinawakan ang tigkabila kong braso bago niya ako matamang tiningnan. "Ngayon sinisisi mo ako? 'Di ba ikaw ang nagpumilit? At saka Iniingatan lang kita. Lucy, ayaw ko na mapahamak ka pa! Tayo—"

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now