Kabanata 27

8.9K 285 43
                                    

I find it impossible to resist closing my eyes and feeling the wind as soon as my feet touch the comfortable ground of the nation where I was born. Like a whistle, it whispers in my ears. Tila ibinubulong kung gaano ko na-miss ang pagyakap ng ihip nito sa aking katawan. Ang pamilyar na tunog at usok ng mga sasakyan, ang ingay ng paligid, at siyempre ang walang katapusang traffic sa EDSA na nagpapainit sa mga ulo ng driver na sumasabay pa sa init ng panahon.

Si Ethos ang sumundo sa amin sa airport dahil si Anna ay abala sa kaniyang pictorial para sa graduation. Muntik pa akong mabuwal sa aking kinatatayun nang halos hindi ko na makilala si Ethos sa sobrang tangkad na halos umabot na lang ako sa kaniyang balikat. Ibigsabihin mas matanggkad na rin talaga sa akin si Anna?

"Oh? Ba't parang pumandak ka, Ate?"

"H'wag mo akong ginaganyan ha!" Hinampas ko siya sa braso na kaniyang ikinatawa.

"Uncle Ethos!" Kaagad na tumakbo si Ruiz kay Ethos na ikinatuwa naman ng kapatid ko bago niya ito kinarga.

Hindi ko naman naiwasang mapangiti habang nakikita ko ang tuwa sa mukha ng aking anak habang kaharap ang kaniyang tiyuhan.

"Nakita rin kita sa personal. Napagod ka sa biyahe?"

"No... I only slept with my mommy. Mommy might be the one who's tired. Are you okay, Mommy?" Bumaling sa akin si Ruiz at tiningnan ako habang bahagyang nakanguso ang kaniyang labi. Ngumiti ako at ginulo ang kaniyang buhok.

"I'm fine, baby. Don't worry."

"Marunong ba 'tong mag-Tagalog?" bulong sa akin ni Ethos.

"Marunong 'yan, s'yempre." Hinawakan ko ang kamay ni Ruiz at medyo pinisil-pisil iyon. Nakatalikod na siya sa akin dahil nakasandal na siya sa balikat ni Ethos.

"Kamukhang-kamukha siya ni Kuya—"

"Pst!" Mabilis kong pinandilatan ng mata si Ethos bago umiling sa kaniya.

Dismayado siyang umiling sa akin. "Hindi mo 'to maitatago sa kaniya, Ate. Baka isang tingin lang niya, malalaman niya na anak niya 'to," bulong niya sa akin habang may bakas ng pag-aalala sa kaniyang mukha.  

Humalukipkip ako at napabuntonghininga na lamang. "Alam ko. Wala naman akong balak na itago."

Just like what I've said, Rius has the right to know about his son. Ayaw kong mas lumaki pa siya nang walang kinikilalang ama. Ayaw kong tanungin niya ako balang araw kung bakit wala siya niyon hindi katulad ng ibang mga bata.

Padilim na nang nakarating kami sa mismong bahay. Parte pa rin naman ng Tondo ang three story na bahay na binili ni Dad noon para kina Ethos upang hindi ganoon kalayo sa eskwelahan na papasukan nila. Kung saan ako nag-aral ng kolehiyo ay roon din nag-aaral sina Anna at Ethos, at iyon din ang unang beses na natuwa ako dahil kahit papaano ay marunong din pala siyang magpaka-humble.

Gusto nga sana ni Anna sa MIU dahil isa rin iyon sa mga naging dream school niya, naikuwento niya iyon noong nagdesisyon siya na pumasok muli matapos ang isang taon na paghinto. Ang problema ay masyadong mahal ang tuition. Biniro ko pa siya noon na ako ang magbabayad ng tuition niya, inasahan ko naman na papayag siya roon—bilang isa siyang dakilang maarte at puro luho ang iniisip—ngunit nagkamali ako. Iyon yata ang unang beses na tinanggihan niya ang isang bagay na gustong-gusto niya

"Alam kong tinutulungan kami Tito Leandro, pero ayaw ko naman maging abuso. Sobra-sobra na nga itong bahay na binili niya para sa amin ni Ethos," iyon ang dahilan niya sa akin nang nagkausap kami sa video call.

Kung sabagay, ano nga ba naman ang pinagkaiba? Either it's public or private, it's still school. Mababa man ang kalidad ng mga kagamitan kapag pampubliko, depende pa rin naman sa estudyante kung gusto talaga nilang matuto. Studying in private doesn't define what you're capable of. Ano naman kung mayayaman sila at may kaya habang ang mga nasa pampubliko ay hirap sa pagkayod makapag-aral lang? Sa bandang huli, diskarte pa rin ang puhunan, sa kung paano mo dadalhin ang iyong sarili.

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now