Kabanata 30

9.4K 294 47
                                    

Suminghap ako, hindi alam kung paano pa nakabig ang mga luha habang pinapanood ang paglalakad niya papalayo sa akin. Nakatatawa kung paanong sa isang iglap ay nabaliktad ang sitwasyon.

I've been abandoned numerous times. My father comes first. Hindi pa ako tuluyang ipinapanganak umalis na kaagad siya. Gladly, he came back. Second, my mother, and then my baby angel, but this, aside from losing my first baby...this is one of the most heartbreaking. Ang talikuran ako ng taong kailanman hindi ko naisip na kaya akong talikuran. But then who am I to blame? I am the one who left him first, and so I don't have the rights to complain.

Ngayon...alam ko na kung gaano kasakit ang itaboy at talikuran..

Eksaktong nawala siya sa paningin ko ay ang pagrasa ng aking mga luha. I try to hide my sobs but it comes out like I'm a crying baby. Tinakpan ko ang aking mukha at marahas na pinunasan ang aking pisngi gamit ang palad. 

Hindi ko matanggap. Ang sakit. Pero kung iyon lang ang makapagpapalubag ng kalooban niya...wala akong karapatan na magreklamo.

Mali ba na nagpakita pa ako sa kaniya? Mali ba kung susubukan ko pa rin na pumasok sa buhay niya para sa anak ko? Hindi naman ako manggugulo, pero parang hindi ko yata kayang makita kung gaano siya naaasiwa sa presensiya ko sa tuwing nahahagip ako ng dalawang lente ng kaniyang mga mata.

Pinilit kong maglakad patungo sa isang upuan katapat ng bubog na bintan ng tindahan kahit pa nanlalambot ang aking mga tuhod. Suminghot ako at saka kinapa ang aking cellphone upang tawagan si Ethos.

I don't want my son to see me like this. Siguro ay magpapahupa muna ako ng nararamdaman pansamantala.

"Ate, nasaan ka na?"

"M-Mauna na kayo. Mayamaya ako uuwi." Hindi na siya nagtanong pa matapos kaya naman mabilis ko nang pinutol ang tawag.

Nanatili ako roon nang mga ilang minuto hanggang sa napansin ko ang pagkulimlim ng kalangitan, sinamahan pa ng mumunting kulog at kidlat. Napabuntonghininga ako at pinanood ang mga tricycle at motor na dumaraan sa kalsada.

Nang medyo humupa ang pag-iyak ay kaagad na rin akong tumayo, subalit hindi niyon natanggal ang bigat sa aking dibdib. Balak ko sanang tumawid nang biglang bumagsak ang malakas na buhos ng ulan. Umatras ako nang muntik na akong mabasa at napagdesisyunan na sumilong muna pansamantala sa may tabi ng pintuan ng tindahan.

Gumilid ako nang may lalaking nakasumbrebro ang biglang dumaan para makapasok. Nanatili naman akong nakatayo roon habang hinihintay na tumila ang ulan hanggang sa may daliri ang kumalabit sa aking likuran. Lumingon ako.

"Payong, ma'am."

Nagparte ang mga labi ko matapos mapansin iyong lalaking nakasumbrero kanina. "A-Ah, salamat. Binili mo? Babayaran kita—"

"Naku, ma'am h'wag na." Umiling siya, nakataas ang dalawa kamay. "Para sa inyo talaga 'yan. Mauna na po ako sa inyo."

Awang labi na pinanood ko ang lalaki na tumakbo sa gitna ng malakas na ulan bago bumaba ang tingin ko sa hawak na payong. Taimtim akong nagpasalamat at saka iyon binuksan upang bumalik sa university. Wala na sina Ethos nang nakalabas ako sa malaking gate kaya naman pumara ako ng tricyle patungo sa highway.

Naging matiwasay naman ang pag-uwi ko kahit papaano. Hindi na rin ako nagtaka nang nakarinig ako ng ingay sa may parteng kabahayan nang nasa bungad na ako ng dalawahang pinto. Alam kong mga batch mate iyon ni Anna at ang iilang kaibigan ni Ethos.

Subalit ganoon na lamang ang pagkabitin ng kamay ko sa seradura ng pintuan matapos ko iyong buksan dahil sa bumungad sa akin.

"Oh! Narito na pala ang maganda kong pamangkin! Naku! Pumuti ka lalo sa Italy! Ang yaman-yaman pala ng tatay mo!"

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now