Kabanata 25

9.5K 342 77
                                    

"Ladra! Ladra!"

Napangiwi ako nang may isang batang bumunggo sa akin na ikinatabi ko sa gilid ng kalsada. Akala ko ay wala ng susunod nang may matabang katawan ng babae ang bumunggo sa akin. Natumba ako sa sahig.

"Puta." Pumikit ako nang mariin nang napansin ko na narumihan na ang suot kong slacks at bahagyang nalaglag ang ilang hibla ng buhok kong nakapusod sa aking mukha. Tumayo ako at mariin na tiningnan ang dalawang tumakbo. "Hoy!"

"Mi aiuti per favore! Un ladra ha preso la mia borsa!" Kaagad na lumapit sa akin ang babae at mariing hinawakan ang kamay ko, bakas ang pangamba sa kaniyang mukha. 

Napansin ko na rin ang iilang mga tao na nakiisyuso sa paligid. 

"Mi aiuti per favore! Un ladra ha preso la mia borsa!"

Tumingin ako direksyon na itinuturo niya hanggang sa naaninag ko ang batang babae sa hindi kalayuan na tumatakbo pa rin bitbit ang isang bag na itim. Huminga ako nang malalim at umiling.

"Please take care of my bag for awhile." Inihabilin ko sa kaniya ang aking tote bag bago ko pinatunog ang aking leeg, kasunod ng aking mga kamao, sinisipat ang pigura ng batang babae na lumiliit na sa aking paningin.

"Hoy! Bata!" sigaw ko. 

Muling humiyaw ang ginang sa akin nang nagsimula akong tumakbo, ngunit hindi ko na iyon tuluyang pinagtuunan. Napansin ko ang paglingon ng bata sa aking direksyon at ang panlalaki ng mata nito habang patuloy ako sa pagtakbo. She's way too far, kailangan ko siyang maabutan bago pa ito mawala sa paningin ko.

"Peste!" Muntik na akong mapasubsob sa pagtakbo nang kaagad itong lumiko patungo sa isang makitid na eskinita. Luminga ako sa paligid. Ngumisi ako nang nakahanap ako ng puwedeng daanan.

Pumasok ako sa isang eksinita na aking napansin at sinimulan iyong tahakin. I am way too familiar with this place dahil dito ako minsan dumaraan kapag ayaw kong maglakad nang malayo mula sa eskwelahan. 

Mas binilisan ko ang pagtakbo nang nabungaran ko na ang dulo ng eskinita. Eksaktong paglabas ko roon ay ang siyang paglabas din ng batang babae na hindi kalayuan sa akin. Ngayon ko lang napansin na may pagkamadungis ang mukha nito. Luminga ako sa paligid hanggang sa nanlaki ang mata nito nang tuluyan akong napansin. Hindi na ko nag-aksaya pa ng oras at kaagad na tumakbo patungo sa direksiyon nito. Kaagad itong napaupo sa sobrang gulat; tumayo at muling binalak na tumakbo nang mabilis kong hinalot ang kuwelyo ng likurang damit nito.

"Toglimi le mani di dosso!"

"You thief. You have the guts to stole someone's property when you don't even know where to hide." Hinaltak ko ang kaniyang bag na yakap-yakap niya, ngunit sinubukan niya iyong ilayo sa akin habang may matalim na tingin.

"È mio! Toglimi le mani di dosso!"

"No, it's not, you stole it."

"Wala kang pakialam! Kailangan ko ng pera!" 

Bumilog ang mga ko at may pagkamangha itong tiningnan. "Marunong ka mag-Tagalog?"

Umikot ang mga mata niya sa akin na tila iyon na ang pinakatangang tanong na narinig niya. "Narinig ko akong nagta-Tagalog, 'di ba? Natural!" 

I face-palm. Attitude ka, girl? 

"Bitawan mo ako!" Pilit siyang nagpupumiglas mula sa hawak ko sa kaniyang kuwelyo, na baka kapag ipinagpatuloy niya ay mawarak lang. 

"Ibalik mo muna sa 'kin 'yan." Itinuro ko ang bag na hawak niya.

"Ayaw ko nga sabi e! Ako ang nakakuha nito kaya akin ito!"

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now