Kabanata 8

10.3K 377 79
                                    

Para kaming batang napagalitan ng aming nanay habang nakaupo kami ni Rius sa sofa at sa harap namin ay si Manang Paulina. Siya ang mayordoma nitong mansiyon; nalaman ko rin na isa siya sa pinakamatagal na nagtatrabaho rito kaya nakilala niya si Rius.

"Ano ba naman kasi at umakyat pa kayo ng puno! Paano kung nahulog kayo roon, Rius? At may kasama ka pang babae!"

Napayuko ako at napakagat na lang sa aking labi, bagaman hindi ko rin naiwasan na ilibot ang tingin sa paligid.

"Pasensiya na po, Manang," saad ni Rius na nakapagpalit na ng damit na ibinigay sa kaniya ni Manang Paulina.

Nandito kami sa kabahayan ng mansiyon. Kanina lang ay halos umawang ang aking bibig nang inaya niya kaming pumasok dito. Sa sobrang kintab kasi ng sahig ay nahiya ang sapatos namin ni Rius. May pagkaklasiko ang istilo ng mansiyon, siguro ay dahil matanda na nga si Sir Jacinto noong namatay.

"Sana ay tinawag n’yo ako nang sa gayon ay napagbuksan ko kayo ng gate!"

"I'm sorry. Akala ko po kasi wala na kayo rito."

Hinayaan ko sila na mag-usap habang ako ay nakatingin sa itaas kung nasaan ang malaking chandelier. Ang ganda! Hindi ko ma-imagine na minsan nang tumira rito si Rius. Sobrang lawak ng kabahayan. May iilang paintings pa akong nakita na nakasabit sa dingding, may mga Christmas trees, at Christmas lights din kahit pa mga tagapag-bantay na lang ang nandito. Hindi talaga nila hinahayaan na mawalan ng sigla itong mansiyon kahit wala na ang may ari.

Living room pa lang pero doble na ang laki sa bahay ni Tita Asuncion, paano pa kaya kung itong buong mansiyon na?

Dumako ang tingin ko sa isang vase ng halaman na nakapatong sa gilid ng isang bubog na lamesa sa may kaliwang banda. Mukhang mamahalin! Magkano kaya iyon kung ibebenta? Siguro five digits ang presyo nito. Hindi na masama.

"Beb."

Napapitlag ako nang bigla akong kinulbit ni Rius. "Ha?" Bumaling ako sa kaniya at napansin na nakatingin siya sa vase na tinitingnan ko.

Pinaningkitan niya ako ng mata. "H'wag dito. Malalagot tayo kapag nagkataon."

Tiningnan ko siya nang masama. "Wala naman akong balak na kuhanin!"

Mahirap 'yon bitbitin! Hindi kasya sa bulsa ng shorts ko!

"Ano'ng pinag-uusaapan n'yo?"

Tumikhim si Rius nang biglang dumating si Manang Paulina; may dalang juice at meryenda. Tamang-tama! Kumalam ang sikmura ko sa paglalakad at pag-akyat!

"Nagpupunta po ba rito sina Tito Thomas?" tanong ni Rius.

Naikuwento sa akin ni Rius noon na kapatid siya ni Sir Jacinto—ang umampon sa kaniya. Si Sir Thomas at ang asawa nitong si Ma'am Lorena ang nagpalayas sa kaniya rito sa mansiyon. Wala naman siya ibang magagawa, bukod sa wala naman siyang habol na mana ay patay na rin si Sir Jacinto.

Ang alam ko rin ay matandang binata si Sir Jacinto, gusto ng mga kapatid nito na ipasa na lang sa mga ito ang kaniyang mga ari-arian dahil wala naman itong pagbibigyan, ngunit hindi raw ito pumayag sa hindi alam na kadahilanan. Iyon ang kuwento sa akin ni Rius.

"Madalas sila rito lalo pa’t may sarili rin silang bahay rito sa lugar, ngunit ang madalas na bumisita rito ay ang anak nilang si Zideon."

Kinuha ko ang baso na may juice at kumuha ng ilang biscuits. Kumain ako habang nakikinig sa kanilang usapan.

"Si Horris, hindi po ba siya nagpupunta rito?"

"Ang alam ko ay nasa Maynila. Magkasama na sila ni Hayes, pansamantalang inaasikaso ang naiwang posisyon ng papa mo sa kompanya."

The Runaway Silhouettes (Costillano #1)Where stories live. Discover now