UATW 50

334 16 1
                                    

Lisa's Point of View

"Jennie?" muli kong tawag sa pangalan niya. Nakatitig lang kasi siya sakin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"A-anong sabi mo ulit?" hinawakan ko ang kamay niya at muling inulit ang mga salitang sinabi ko sa kaniya kanina.

"Babe, you're the one that I'm talking about. Ikaw ang isasama ko sa Daegu." I said.

Hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko nang sabihin ko yun sa kaniya. Bukod sa makakasama ko siya, mas lalo ko pa siyang makikilala. I can't wait to sleep next to her, cook her some breakfast and mawawala ba jan ang kasama siyang tumira sa iisang bahay? Even if it's just for a short time.

Yes.. hindi naman kami magtatagal do'n.

"T-teka! Ang bilis naman. Akala ko ba ibang tao kasama mo?" natawa naman ako ng bahagya.

"Totoo ba yan? Bakit? Kailan pa? Alam ba ng parents mo na may kasama ka?" sunod-sunod na tanong niya sakin

"Babe, calm down. And yes, totoo ang mga sinabi ko. Obvious naman sa hawak kong mga baggages and I'm sorry kung ginulat kita. Actually naka-impake na lahat. Itong isang maletang hawak ko, sayong damit 'to. Your mother helps me to packed all your things. I know, mali ang ginawa kong pang-bibigla sayo. Pero gusto ko lang naman na i-surprise ka." maya-maya pa'y naramdaman ko na ang mahigpit na yakap sakin ni Jennie.

"Alam mo nakakainis ka din! Pwede mo naman kasi sa'kin sabihin agad para ako na nag-prepared ng mga gamit ko." sabay hampas niya ng mahina sa balikat ko.

"I'm sorry. I just want to see your reaction." I smiled.

"Kung sasama ako sayo, paano si nanay? Siya lang mag-isa. Ayoko naman na iwan siya. Paano ka ba nagpaalam sa kaniya? Nakakagulat lang kasi pumayag siya, knowing her. She's kinda strict when it comes to me." sabi niya.

"Sabi ko kay tita, itatanan na kita." pagbibiro ko.

"Yung totoo, Lisa." seryoso pa talaga siyang nakatingin sa'kin. Bakit parang hindi ko siya mabiro ngayon? Parang naglilihi tuloy siya sa lagay na yan. As usual I tried to explain everything to her and tried to calm her down.

"You don't have to worry about your mother, I already ask someone to watch her. But first... We have to go now, I'll tell you the whole story later, sa ngayon kailangan na nating umalis. Baka maiwan pa tayo." pagkatapos kong sabihin yun, agad kong hinawakan ang kamay niya at sabay kaming naglakad papasok ng airport.



***
The day before the flight

Maaga akong pumunta kela Jennie para makapag-paalam sa mama niya. Gusto kong malaman niya yung balak kong pagsama sa kaniya papuntang Daegu. Kaya naman nag-prepare talaga ako ng mga sasabihin ko sa araw na 'to. Kulang na nga lang, magsulat ako ng mga gusto kong sabihin kay tita tsaka ko babasahin sa harap niya. Para naman prepared ako. Bawat hakbang papalapit sa bahay nila, hindi ko mapigilang kabahan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Alam ko kasing may posibilidad na hindi pumayag si tita sa plano ko.

Pero susubukan ko pa rin.

Wala naman mawawala kung ipapaalam ko siya diba?

Nasa tapat na ako ng pintuan at agad na kumatok. Unti-unting bumukas ang pinto at bumungad sakin ang nanay ni Jennie. Nagulat pa nga siya sakin. Sino ba naman ang hindi magugulat kung may makikita kang maganda sa oras na 'to? Kidding aside, gusto ko lang pakalmahin ang sarili ko. Nang makita ako ni tita, agad naman niya ako nginitian.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now