UATW 31

1.9K 54 9
                                    

Jennie's Point of View

Nakakakaba pala ang sumali sa Pageant. Bara-bara din yung sagot ko at halatang di pinag-isipan. Ikaw ba naman biglang isabak sa ganyang contest?! TAPOS BIGLAAN?! But Im proud of myself today. Or should I say, tonight. Napatunayan ko na kaya ko pala maging maganda kahit isang beses lang sa buong buhay ko. Di joke lang.

I'm sure napanood ni Lisa ang ginawa ko. Ano kaya reaksyon niya? Natapos ang pageant. Nakasuot pa rin ako ng gown habang hawak ang bouquet of flowers, kahit papaano ay nanalo ako bilang 1st runner up at may pera pa akong natanggap. Inaayos ko ang gown ko ngayon. Ang haba kasi. Pagkatapos kong ayusin ang gown ko ay humarap ako. Nakita ko si Lisa na naglalakad papunta sa pwesto ko. Ngumiti ako at kumaway sa kaniya.

Gusto ko na agad siyang lapitan..

"BUNNY!!!" nagulat na lang ako ng may yumakap sakin.

"Good job! You deserve that!!" humarap siya sakin at ngumiti. Si Vernon. Muling hinanap ng mga mata ko si Lisa at nakita ko siyang naglakad palayo sakin.

Bakit??

"Di ko ineexpect na kasali ka pala dun?"

"Vernon. Magbibihis muna ako. Di kasi ako kumportable dito sa suot ko." pagdadahilan ko.

Gusto ko marinig kay Lisa kung gaano siya kasaya ngayon dahil dito. Mukhang hindi mangyayari yun. Mauulit na naman ba ang pag-iignore niya sakin?

I sigh.

"Sure , I'll wait for you Bun." saad ni Vernon sakin.

"Ahm... Okay?" isip kana ng dahilan mo Jen!! Gusto ko makasama si Lisa pero paano?

"Gabi na din, hatid na kita ah?" papayag ba ako?

"Hahatid lang kita sa inyo." pahabol pa niya.

"Okay... Wait lang." saka ako pumasok sa dressing room at nagpalit na ng damit. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Lisa.

To: Lisa
Bakit ka biglang umalis?

Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya nagrereply. Pagkatapos ko magbihis ay agad akong lumabas ng dressing room. May make up pa rin ang mukha ko, sa bahay ko nalang siguro aalisin ito. Yung contact lense naman ay galing kay Jisoo, bagong bili niya daw yun at ibinigay nalang niya sakin. Nang suotin ko nga yun ay nalaman kong may grado yung contact lense na yun. Binigyan niya din ako ng eye dropper para daw hindi matuyo yung contact lense sa mata ko. Nakakapagtaka lang, di naman malabo ang mata niya pero may contact lense siya na may grado na binili para sakin? Parang pakiramdam ko nga ay sinadya niyang bilhan ako nun kasi plano niyang sumali ako..

Nang makalabas ako ay nakita ko si Vernon na naghihintay sa'kin. Sabay kaming pumunta sa parking lot. Ang dami niyang dinadaldal pero wala akong masabi sa kaniya. Wala ako maintindihan. Parang wala ako sa sarili ko?

Hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay namin. Tumigil ang sasakyan. Lumabas siya upang pagbuksan ako ng pinto ng kotse.

"Thanks." saad ko sa kaniya, pagbaba ko ng kotse. Papasok na sana ako ng bahay namin ng hawakan ni Vernon ang kamay ko.

"Good night Jen." then bigla nalang niya ako hinalikan sa noo. Natulala ako sa ginawa niya.

"Go ahead. Pumasok kana sa inyo." sabay kindat niya sakin.

Saka siya muling pumasok sa kotse at umalis na. Natulala ako sa nangyari. Ano yung ginawa niya?!

Nasa kwarto na ako ngayon. Madilim na ang daan. Wala na ring tao sa labas. Ang tahimik. Nagtataka kayo kung saan si nanay? Ayun naabutan ko na siyang tulog. Matapos kong maghilamos ay humiga na ako para matulog. Tinanggal ko na din ang contact lense ko kanina. Nang makahiga ako ay kinuha ko ang stuff toy na ibinigay sakin ni Lisa. Unti unti ako napangiti at agad niyakap iyon.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now