UATW 12

2K 58 1
                                    

Jennie's Point of View

AAAAAAAH!!! Bakit kasi sumakto na inutusan pa ako ng teacher namin na dalhin tong mga test papers sa faculty nila. Nagmamadali na ako at halos takbuhin ko nalang tong hallway na nilalakaran ko papuntang faculty. Paano kasi ay magsisimula ang audition ng 10:00 am. At ang oras ngayon ay 10:30 am. Vacant time namin kasi may meeting ang mga teachers ngayon.

"I'm 30 minutes late!" taranta kong saad habang hawak ko ang mga papel.

Tatakbuhin ko na ba talaga to? Kaso nag-aalala ako sa paa ko. Bahala na nga! Agad akong tumakbo kahit nasasaktan ako dahil sa hindi pa magaling to. Kainis... Pagliko ko ay may bigla na lamang sumulpot sa harap ko at nabangga ko. Kaya halos lahat ng hawak ko ay nagsihulog. Na naman??

Ang lampa ko talaga kahit kailan!

Hindi ko na binigyan pa ng atensyon yung nakabangga ko, sa halip ay kinuha ko na lamang agad yung mga papel at inayos ito dahil nagmamadali na talaga ako.

"Here.." kinuha ko naman ang inabot niya. Napansin ko na boses lalaki ito.

"Thanks, I'm sorry." maikli kong tugon.

Tinignan ko ang lalaking nasa harap ko at base sa nakita ko. Kamukha niya si Leonardo DiCaprio. Yung sa Titanic? Tama ba yung spelling ng last name niya? Ah basta! Kamukha niya tapos ang puti din. Laaah! Kulot ang nasa dulong buhok niya... Ayy bangs pala yun, ooops! I forgot! Tapos meron itong blonde na buhok.

"Let me help you.." pag-ooffer niya sakin. Umiling ako para sabihing wag na.

"No thanks, I'm sorry ulit sa nangyari. Di ko sinasadya."

"It's okay, I'm Vernon.. And you are?" tanong niya sakin, dapat ba ako magpakilala? Oh well. Nagpapakilala lang naman siya, di ibig sabihin kakaibiganin na agad. Advance Ako mag-isip! Hahahaha atsaka sigurado naman ako na hindi ko na siya makikita. Sa laki ba naman ng campus na 'to?

"I'm Jennie and I need to go. Nice to meet you Vernon, bye." agad na ulit akong tumakbo, dahil ayoko na talaga magtagal pa.

***

Buti naman at natapos na rin.. Ano na kaya ang nangyayari sa gymnassium? Nagmamadali akong pumunta ng gymnassium para naman maabutan ko ang performance ni Lisa.. Sana hindi pa talaga tapos ang audition. Sana din hindi pa nakakapagperform si Lisa.

"Excuse me miss.." sino na naman kaya yun?

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko na naman ang lalaki na nakabangga ko kanina. Teka? Kakasabi ko lang kanina na hindi na kami magkikita pero nandito siya ngayon? Sa mismong harap ko pa? Sinusundan ba ako nito? Ay mali! Di ko naman siya nakita kanina e. Baka coincidence lang. Oo nga! Baka nakita lang niya ako?


"I just wanted to ask if where's the gymnassium?" Sabi ko na! Jinudge ko pa siya ng wala sa oras.

Judger talaga ako Hahahahaha!

"Doon din ang punta ko.. Sabay kana lang sakin?" offer ko sa kaniya. Parang ngayon ko lang siya nakita dito? Nagsimula na kaming maglakad papuntang gymnassium, ang tahimik nga e. Much better.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now