UATW 39

1.9K 50 23
                                    

Jennie's Point of View

"P-paano mong..." nasambit ko kay Rosé.

Dapat ikukwento ko lang yung mga sinabi ni Vernon sakin kanina na nakapagpa-offend sakin e. Pero ngayon mukhang hindi ko na magawa dahil ito na ang nangyari.

"S-sinabi ko bang Lisa?" narinig ko ang pagkakautal-utal ni Rosé.

"Oo na, sasabihin na namin paano namin nalaman. Siraulo kasi tong si Rosé e." nakasimangot na sagot ni Jisoo. Nakatingin lang ako sa kanila ng seryoso at inaantay ang susunod nilang sasabihin.

"Bakit ako?! Kasalanan ko ba kung madaldal ako. Being chismosa and talkative is a blessing, FYI lang!" saka ito nagcross arms at sumimangot.

"Ang plano natin dito, siya ang aamin satin na si Lisa ang mahal niya. Hindi yung tayo ang aamin na alam natin kung sino yung love of her life niya." saka ito umiling iling at napabuntong hininga.

"Like I said, it's a B-L-E-S-S-I-N-G! Blessing!" pag-uulit ni Rosé sa sinabi niya kanina.

"Blessing your face!" sagot naman ni Jisoo.

"Woah! Sumasagot kana sa master mo?" saka tumingin ng masama si Rosé sa katabi niya.

"You're not my master, you dumbass." kalmadong sagot niya saka uminom ng kape.

"Master mo ko! Dapat ginagalang mo ko!" pagpapaliwanag niya kay Jisoo habang may action pa ang kamay niya. Aba mga siraulo talaga.

Kaibigan ko ba talaga 'tong mga to?

"Again, you're not my master. Kaya kung pwede, tigilan mo kakasabi sakin na parang alipin mo ko." nakipagtitigan naman ito ng masama kay Rosé.

"Aba't-----Halika nga! Sabunutan sa labas ng shop." saka tumayo si Rosé at itinaas ang manggas ng damit niya.

"Sige ba! Akala mo, aatras ako?" sagot ni Jisoo at napatayo na din.

I took a deep breathe.

"Girls?" pagtawag ko sa kanila.

Pero hindi man lang sila lumingon at nananatili pa ring nagtatalo. Nagtuturuan pa nga silang dalawa e. Ano bang meron sa mga to? Palagi nalang sila nagtatalo? Sa tingin ko nga ay walang araw na hindi sila nagkakasundo. Ano to? Bonding nila together? Ito ba yung way para sabihin nilang gusto nila ang isa't-isa? Heto na naman ako at nag-coconclude.

"Girls!!" tumigil sila sa pagtatalo at parehas silang nakatingin sakin ngayon.

"Ano ba ginagawa niyo? Gumagawa ng eksena sa loob ng coffee shop na to? Umupo nga kayo." pag-uutos ko sa kanila.

Agad naman silang nakinig sakin at umupo na. Inirapan naman nila ang isa't-isa. Pagkaupo ni Rosé ay kumain nalang ulit siya ng cake at hindi nalang nagpansinan. Kung di rin mga siraulo. May mga sapak ata tong mga kasama ko. Baka nahulog ang turnilyo nila? Try ko nga hanapin mamaya.

Sinubukan ko ulit sila kausapin.

"So, tell me. Paano niyo nalaman na si Lisa nga ang babaeng tinutukoy ko?" tanong ko sa kanila.

"Si Lisa ang alin?" napasapo na lamang ako sa noo ko. Dahil sa tanong ni Jisoo.

"Remember? You said to me earlier that Lisa is the one that I'm talking about? Yung taong mahal ko?" sabi ko.

Us Against The World (JenLisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon