UATW 14

2.1K 68 6
                                    

Lisa's Point of  View

Nagising ako ng walang kasama sa loob ng kwarto. Shit, anong oras na ba? Tumingin ako sa labas at nakita kong madilim na. Kinuha ko ang phone ko at nakita kong 7:00 na ng gabi. At ang masama pa dun, nakatanggap na agad ako ng 10 missed calls galing sa mama ko.

Ilang oras ba akong tulog?

Hindi man lang ako ginising ni Jennie. Nagpalit na din ako ng damit dahil naghahanda na ako para umalis. Pagkatapos ay naisipan ko siyang hanapin.

Nakakainis. Nawala ang antok ko.

Bumaba ako at napansin ko na parang may nagluluto. Ang bango.. Pumunta ako sa kusina at napansin ko na may nagluluto nga! Si Jennie ba yun? Hindi ako nagsalita and I know na hindi niya ako napapansin kasi nga nakatalikod siya sa akin at abala sa ginagawa niya.

Hindi ko alam na marunong pala siya magluto? Feeling ko nasa kaniya na lahat e. Marunong magluto, mabait, maintindihin,  maaasahan at maganda.. San ka pa? Ang swerte ng magiging Boyfriend niya, and I know that it's not me cause I'm a girl.

And also, I'm not her type.. Sinong papatol sa Bisexual like me? Iniisip nila na kapag nakipagrelasyon sila sa kapwa nila babae ay masyadong awkward at pakiramdam nila ay sobrang makasalanan na nila. Which is.. Hindi dapat nila yun nararamdaman..

Lahat ng LGBTQ+ people, siguro ay nakakaranas ng ganitong pangyayari sa buhay. Nahihirapan sila magsabi ng nararamdaman nila. Nahihirapan magsabi ng tunay na pagkatao nila. Kasi nga natatakot sila sa judgment. Lalong lalo na sa pagcocome out. Coming out of the closet is not easy. Actually, my mom didn't know that I'm gay. Hindi nila alam na ang nag-iisang unica hija nila ay nagkakagusto sa isang babae noon pa man. Kailan ko nalaman? Well, when I was a kid alam kong may kakaiba na talaga akong nararamdaman sa babae. Matagal ko na rin iyon tinatago. Ang hirap pala.

I just shrugged

Nagdecide na lamang ako na maglakad palapit sa kaniya para naman makapagpaalam na ako na kailangan ko nang umuwi. Anong oras na din at I'm pretty sure na sermon na naman ang abot ko nito.

"Nini??" agad na lumingon ito nang marinig niya ako.

"Gising kana pala. Buti naman. Di na kita ginising kanina nung may tumatawag sa phone mo. Nakakahiya kasi. Humihilik ka pa nga e." saka siya tumawa.

"Stop laughing, I'm just tired.  By the way, I need to go Nini." tumigil siya at muling tumingin sa akin.

Halos ilang segundo din ang itinagal noon sakin.

"Bakit? Hindi kapa nakain simula kanina. Wait lang.."

"Nini, kakain naman ako sa bahay namin or maybe bibili nalang muna ako ng makakain ko jan sa 7 elev-----" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Umiiwas ka ba kasi ayaw mo matikman yung luto ng bestfriend mo?" napansin ko na lamang na napalitan ng lungkot ang maaliwalas niyang mukha kanina.

Damn!

Hindi ko kaya na ganyan siya sakin! Talagang bibigay ako ng wala sa orass e!

Us Against The World (JenLisa)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora