UATW 38

1.6K 52 5
                                    

Jennie's Point of View

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na si Jisoo. Nakaparada ang kotse nito sa tapat ko at agad ko naman binuksan ang pinto ng kotse niya saka sumakay. Nang maisara ko na ang pinto ng kotse ay nagsimula na din siyang magmaneho palayo.

Nanatiling tahimik ang buong biyahe ng tumigil ang kotse sa isang coffee shop. Nagtatakang tinignan ko si Jisoo. Ngumiti muna ito sakin bago mag-aya.

"Tara, nag-ccrave ako sa kape ngayon." Bumaba na kami ng kotse at pumasok na sa loob ng coffee shop. Umupo ako sa bakanteng table na nasa dulo. Maya-maya pa ay sumunod si Jisoo at umupo sa tapat ko.

"Saglit lang ah? May aantayin pa tayo." nagtaka naman ako kung sino pa ang inaantay namin.

Ang naaalala ko lang ay si Jisoo lang naman ang tinawagan ko. Maya-maya pa ay may lumapit samin.

"Hello mga kabakla!" masayang tugon nito. Nagulat naman ako dahil si Rosé ang nakatayo sa gilid ng table namin at nakangiti. Umupo naman din ito sa tabi ni Jisoo.

"Tinawagan ko siya para naman kapag malungkot kana, may clown tayong kasama." natatawang paliwanag niya sakin. Natawa naman ako sa sinabi ni Jisoo.

"Aba! Pinapunta mo lang ako dito para bully-hin? Ayos ka din ah!" pagtataray ni Rosé.

Patuloy na nag-aasaran ang dalawa at natawa nalang din ako sa ginagawa nila. Kaysa umabot pa sa sumbatan at pikunan ay pinigilan ko nalang sila. But everytime na ganito ang nangyayaricsa kanila, nacucute-an ako. Para kasing may chemistry itong dalawa sa harap ko ngayon. Grabe din kasi yung care nitong si Chaeng kay Jisoo or sadyang mali lang ako ng hinala?

"Oy tumawa ka!" pang-aasar ni Jisoo sakin.

"Well, may clown kasi tayong kasama, diba Park Chaeyoung?" saka ito tumingin kay Chaeng at nagtaas baba ang kilay. Sinimangutan lang siya nito.

"I'm just kidding. Tinawagan ko siya kasi deserve niya din malaman lahat ng sasabihin mo kasi kaibigan din natin siya, right?" then Jisoo gave me a sweet smile..

"Dahil jan, sabihin mo salamat Shopee." pigil na tawa ni Rosé.

"Ewan ko sayo!" pagtataray niya dito.

"Jowain ko si tita." sabi ni Rosé sa kaniya.

"Tanga! Baka gusto mo mabugbog ni papa." parehas na lamang kaming natawa. Maya-maya pa ay agad nagtanong si Rosé sakin.

"So ano nangyari?" tanong.

Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil naalala ko na naman ang nangyari kanina. Alam kong nasabi lang ni Vernon iyon dahil nasaktan siya, pero nasaktan din naman ako sa mga sinabi niya. Masakit lang na mahusgahan.

"Teka, antayin muna natin yung inorder kong cake and coffee." pagpipigil ni Jisoo.

"Ay leche! Uunahin pa talaga ang pagkain kaysa sa kaibigan natin ah?" sagot ni Rosé habang nakataas ang kanang kilay nito.

"Woah! Coming from you, girl? Pagkakaalam ko ay walang araw na walang laman yang bibig mo." sarkastikong sagot ni Jisoo.

"Kahit na, need niya tayo iha. Duh!"

"Alam mo? Masarap makinig kapag may kinakain, Jen. And you, Rosé. Aarte ka pa ba jan? Nilibre na nga kita?" sagot ni Jisoo sa kaniya. Nakita kong lumawak ang ngiti ni Rosé nang marinig niya ang magic word na libre, kaya naman walang pagdadalawang isip ay agad itong humarap sakin.

"Sige na nga, mamaya kana magkwento Jen. Antayin muna natin yung inorder niya." excited na saad niya.

"Matakaw talaga!" saka umiling si Jisoo.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now