UATW 21

1.7K 49 0
                                    

Lisa's Point of View

Nakauwi ako nang may iniisip pa rin. Naalala ko ang mga sinabi ni Jennie kanina. Siya? Ma-attract sakin? Diba parang isang malaking kalokohan yun? Bakit ko ba sinabi yun? Sinaktan ko lang ang sarili ko. Pagbukas ko ng pinto ay may sumalubong agad na yakap sakin.

"I miss you so much Lisa." bati agad sa akin ng lalaki habang niyayakap ako.

"Dad?!" ngayon lang nagsink in kung sino ang yumayakap sakin ngayon. Excited ako at tuwang tuwa. Yes it's my dad. The one who's been hugging me right now.

"I'm so busy for running our business in Thailand." saka kumawala ng yakap sakin si daddy at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Grabe ang tagal bago ako ulit nakauwi. Gumanda ka lalo Lisa." ngumiti ako, dahil sa totoo lang ay namiss ko din si Daddy.

Actually, 6 years old palang ako nung umalis kami sa Thailand at nanirahan dito sa Philippines. And napapansin ko na palipat lipat kami ng tinitirahan or di kaya kapag nakikita ako ni mama na may kaibigan ako, gusto niya lumayo ako or else kami mismo ang lalayo. Yun ang nakasanayang routine namin. Alam yun ni Daddy, dahil sinasabi niya sa kaniya na lilipat kami. Habang patagal ng patagal naiinis ako dahil hindi permanente ang tinitirahan namin. Nasanay din ako na ako lang ang mag-isa na gumala o kumain sa kahit saang restaurant or fast food chain. Kaya ngayon hindi na ulit ako papayag na lilipat na naman at iiwan ang mga taong mahahalaga sakin dito sa lugar na 'to. Ayokong iwan yung mga taong napamahal na din sakin.

Lalo na si Jennie...

"How's your school?" tanong ni Dad sakin.

"Mmm... It's great Dad. Ang laki ng campus nila e!" tuwang tuwa naman si dad sa sinabi ko.

"Buti naman kung ganun."

"Anyway, I really miss you Dad."

"I miss you too darling." masaya niyang saad sakin. Daddy's girl talaga ako, mas close ko talaga si Dad kesa kay Mama. Pero kahit ganon ay hindi ako open sa kaniya about sa mga nangyayari sa buhay ko.

"Enough talking, let's eat." napunta naman ang atensyon namin kay mama. Nakangiti itong nakatingin sa amin. Tumingin sa akin si Daddy at ngumiti..

"Let's have some dinner now." saad niya.

"Let me change my clothes first Dad." then I kissed his cheek and nagsimula nang umakyat papuntang kwarto. I didn't even know na ngayon na pala ang dating ni Daddy. Hindi man lang ako nakapaghanda.

Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong dumiretso sa baba at pumunta sa Dining room. Nakita ko sila na kumakain habang nagtatawanan.. Nang makita nila ako ay pinaupo ako atsaka hinainan ng pagkain. Nagsimula na rin ako kumain kasabay sila.

"Do you have any friends Lisa?" naghintay pa ako sa susunod niyang sasabihin. "Well at your new school." nakatingin si Papa sa akin ngayon, ngumiti ako at tumango.

"Yes, actually tatlo sila.." excited kong sambit . Ngumiti naman siya sakin.

"That's good. It's okay that you have a friends. In case you needed someone, you can call 'em" nakatingin lang si Mama kay Dad na parang sinasabi na "Kinukunsinti mo pa ang anak mo." Pero sa huli ay okay lang sa kaniya. Buti nga at naiintindihan niya e.

***

Nasa kwarto na ako ngayon at nakahiga sa kama habang nakatingin sa kisame. I'm thinking that what if umamin ako kay Jennie. Tatanggapin niya kaya ako? Hindi niya ba ako iiwasan? Ah shit! Napahilamos nalang ako sa mukha ko saka umupo at ginulo ang buhok ko. Kung sasabihin ko yun sa kaniya, atlis aware siya sa feelings ko. Kaso parang hindi naman ganun kadali yun e. Kapag umamin ako sa lkaniya paniguradong madami angf magbabago.

Us Against The World (JenLisa)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant