UATW 18

1.9K 63 4
                                    

Lisa's Point of View

Nang matapos ang practice namin ay hindi ko maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Rosé sa'kin kanina. Posible kayang magustuhan ako ni Jennie? Halata ba talaga ako masyado? Napapansin din kaya niya yun? Kung nahahalata niya yun, bakit hindi niya ako iniiwasan? Bakit hindi man lang niya ako kinausap about dun?

"Yiiiieeee Iniisip niya mga sinabi ko kanina." pang-aasar ng katabi ko sakin. Papunta na rin kami sa bench para makapagpahinga at makapagpunas ng pawis.

"Hindi ah!" tanggi ko sa kaniya.

"Kunwari ka pa, kanina ka pa nga jan tahimik e. Ang seryoso mo masyado. Hahahaha" ang kulit nito, ano ba pumasok sa isip niya at inaasar ako ngayon?

"Oh malapit na tayo sa Girlfriend mo. Yiiiiiieee" sabay siko niya sa'kin. Hinampas ko siya para manahimik. Baka kasi marinig ni Jennie ang pinag-uusapan namin..

"Aray ah?" habang himas ang balikat niya. Tinignan ko lamang siya ng masama.

Nang makalapit na kami sa pwesto ni Jennie ay iniabot niya agad sa'kin ang tubig.

"Ito tubig Lalice." kinuha ko iyon at ngumiti sa kaniya.

"Thanks." saka ako uminom dahil nauuhaw na din ako.

"May naaamoy akong bakla dito!" bigla ko nadura ang iniinom ko dahil sa sinabi ni Rosé.

Wtf?!!!

"HAHAHAHAHAH! KADIRI KA LIMARIO!" I just glared at her. 

Unexpected yung sinabi niya. Naririnig ko pa silang nagtatawanan, kainis. Nakakahiya! Pinunasan ko ang bibig ko at napansin ko na din na nabasa na ang damit ko dahil sa tubig.

Badtrip naman.

"Mas kadiri ka!" sagot ko sa kaniya, di ko na alam anong trip nito. Baka mamaya ilaglag na ako nito kay Jennie.

Kinuha ko na ang bag ko at hinila si Jennie palabas ng room. Agad naman na sumunod si Rosé sa'min.

"Pwede bang pumunta muna tayo sa Shower room? Ang lagkit kasi sa katawan kapag di pa ako maliligo. Ayoko naman umuwi ng ganto." sabi ni Rosé.

"Yun din ang balak ko. Kaya tigilan mo na kakadaldal."

Magkakasabay na kaming tatlo na naglalakad papunta sa girls locker room kasi dun din makikita sa loob ang shower room. Magkaiba yung locker sa hallway and sa locker sa shower room. If you know what I mean.

"Alam mo ba Jennie?" nakatingin lang ako kay Rosé nang magsalita siya.

"Ano?" tanong naman ni Jennie. Ngumisi muna si Rosé sakin saka nagsalita.

"May kilala akong nag------"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng hampasin ko siya ng dala-dala kong tuwalya at agad siyang tumakbo habang tumatawa. Buti nalang at hindi niya natuloy ang sasabihin niya. Yari talaga sakin ang babaeng yun. Ang lakas ng trip sakin. Kala mo siya hindi nagkakagusto.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now