UATW 26

1.8K 62 4
                                    

Jennie's Point of View

Nakarating na rin kami sa Canteen. Agad kong hinanap kung saan nakapwesto sila Jisoo. Hinanap ko din si Lisa at nagbabakasakaling magkakasama sila. At hindi nga ako nagkamali. Magkakasama sila sa iisang table. Nakita ko na masayang kumakaway itong si Rosé sakin. Habang ang dalawa naman ay seryosong kumakain.

"Puntahan mo na sila, bibili muna ako ng makakain natin." agad na kong tumakbo palapit sa pwesto nila.

"Hi..." pagbati ko.

Ngumiti sila Rosé at Jisoo sakin pero si Lisa ay hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Ulit!

Ang sakit lang kasi nagagawa niyang hindi ako pansinin.

"Nanjan kana! Buti naman, so ano? Ililibre mo na ba ko?" tanong ni Rosé sakin.

"Mamayang uwian." sagot ko. Umupo ako sa tabi ni Lisa na tahimik na kumakain.

"Bakit hindi kayo nagsabay nitong si Lisa kanina?" tanong ni Jisoo sakin.

"Ah. M-may ginawa lang. Pumunta ako sa faculty, may inutos lang sakin yung teacher namin" pagdadahilan ko sa kaniya.

Tumango na lamang si Jisoo at nagpatuloy sa kinakain niya. Habang ang dalawa ay nag-uusap, hindi ko maiwasan na pasulya-sulyap kong tinitignan si Lisa na tahimik sa kaniyang ginagawa. Kung kausapin ko nalang kaya siya ngayon?

Handa na sana akong kausapin siya kaso nga lang...

"Jen, here's your food." saka niya inilapag ang pagkain sa mesa.

Wrong timing na naman! Bakit ba ang daming pumipigil sakin kapag gusto ko na siya makausap?

"I'm done, babalik na ako sa classroom. Rosé, kita nalang tayo mamaya sa practice." saka ito tumayo at naglakad ng mabilis paalis ng canteen.

Ang nagawa ko na lamang ay sundan nalang siya ng tingin. Ano ba itong ginagawa mo Lisa, di ako sanay na iniiwasan mo ko.

Tumabi si Vernon sakin. Napansin ko ang bawat tingin ni Rosé samin. Si Jisoo naman ay sikretong napapasulyap din saming dalawa. Siguro ay nagtataka sila kung bakit kami magkasama at hindi kami magkasabay ni Lisa kanina.

"So... Vernon right?" tumango naman si Vernon bilang sagot sa tanong ni Rosé.

"Napapansin ko na umaaligid ka dito sa kaibigan namin ah?" Rosé naman! Sa harap ko pa talaga 'tong dalawa nag-uusap. Natawa naman ng bahagya si Vernon.

"Gusto ko kasi siya ligawan." sabi niya dito, nakita ko na nagulat ang dalawa sa sinabi ni Vernon. Kulang nalang ay nakanganga na ito. Bakit nagtanong ka pa kasi ng ganyan. Ang dami mong napapansin.

Ngayon ay napatunayan ko na seryoso nga siya sa panliligaw niya sakin at hindi lang trip yun. Ano ba ang napasok kong gulo? Minsan naisip ko na kung kailan gagraduate na ako ay kailangan gan'to pa ang mangyari sakin. Grabe namang tadhana 'to, pinaglalaruan yata ako.

Bago pa man matapos ang breaktime ay naisipan ko na rin na bumalik sa room. Hinatid na din ako ni Vernon, ilang beses ko na nga sinabi sa kaniya na huwag nalang dahil nakakahiya. Pero sa totoo niyan ay ayoko mahusgahan ulit. Kaso pinagpilitan pa rin niya at wala na rin akong magawa dahil mas nauna siyang naglakad sakin kanina..

"Bye Jen." ngumiti na lamang ako bilang sagot at pumasok na sa room at hinanap si Lisa.

"Saan na naman kaya yun?" tanong ko sa sarili ko

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now