UATW 40

939 38 8
                                    

Jennie's Point of View

"Aalis na 'ko nay!" paalam ko kay nanay nang habang inaayos ang mga gamit ko. Naghahanda na rin kasi ako para umalis at pumasok na sa school.

"Ingat ka Jen."

"Nay, baka gabihin ako sa pag-uwi. May practical exam kami bukas and bibili kami ng ingredients ni Lisa. Magpapaturo din ako sa kaniya kung paano mag-bake." sabi ko.

"Bigyan mo nalang ako ah. Kapag di mo ko binigyan, wala kang baon." pagbabanta sakin ni nanay, natawa na lamang ako at um-oo sa kaniya.

Bakit naman ako hihindi? Nagpaalam na ako upang umalis. Paglabas ko ng bahay ay nagulat na lamang ako nang may bumusina mula sa labas ng bahay namin. Nang tignan ko ito ay nakita ko si Lisa. Nakatayo ito sa tabi ng kotse niya at nakangiti.

Ang ganda naman ng araw ko. Nakita ko agad siya.

"Good morning." bati niya sakin nang makalapit ako sa kaniya.

"Good morning din." bati ko.

"Tara, sabay na tayong pumunta sa school." sumang-ayon naman din ako, minsan nalang to kaya sulitin ko na. Charot. Ang totoo niyan, gusto ko talaga siya makasama.

Nang makasakay ako ay nagsimula na rin magmaneho si Lisa. Habang nasa biyahe ay naalala ko ang mga sinabi nila Rosé at Jisoo sakin kahapon. Anong nga bang label ang meron kami? Hinahatid na din niya ako mula pagpasok at pag-uwi kapag may pagkakataon. What if I ask her? Tanungin ko na kaya kung anong meron saming dalawa para hindi na rin ako maguluhan pa.

"Ahm.. Lisa?" tawag ko.

"Yeah?" sagot niya sakin habang nananatiling nakatingin sa daan.

Teka, hindi ba parang masyadong maaga para intindihin ko 'to? Baka masira ang araw ko kapag ito agad ang iniisip ko. Siguro, mamaya ko nalang siya tanungin.

"Nothing." tumingin ako sa labas at pinagmamasdan ang nadadaanan ng kotse na sinasakyan namin.

"How's your date yesterday?" tinignan ko siya pero nananatili pa rin nakatuon ang atensyon niya sa pagmamaneho. Naalala ko bigla si Vernon. Makikita ko kaya yun mamaya?

Sana naman hindi.

"Okay lang? Ay! Nasabi mo pala kahapon na masama ang pakiramdam mo. Okay kana ba?" pag-iiba ko ng topic. Ayoko kasi pag-usapan yung mga nangyari kahapon.

Ayoko siya alalahanin, lalo na yung mga sinabi niya sakin.

Nakita kong tumango si Lisa bilang sagot sa tanong ko habang nakangiti ito at hindi ako tinitignan.

"I feel sick yesterday, pero okay na 'ko. Like I said, isa akong Manoban. Malakas to Hahahahah." nakaramdam na lamang ako ng pag-aalala. Pakiramdam ko ay may hindi siya sinasabi sakin.

"Sus! Baka mamaya niyan may sakit kana pala, hindi mo lang sinasabi." humarap naman ito sakin at ginulo ang buhok ko.

"Oy, kakaayos ko lang nito." pag-aayos ko sa buhok ko. Muli niyang ibinalik ang tingin sa daan.

Matagal ko nang napapansin na hindi namin pinag-uusapan ang about sa nangyari samin nung nakaraang gabi pa. Yung about sa kiss, sa totoo lang ay awkward yun e. Pero kasi may nagbobother sakin. At hindi ko na alam kung paano ko siya tatanungin o kakausapin. Pakiramdam ko ay hindi pa ngayon ang tamang oras para pag-usapan ang about dito.

Us Against The World (JenLisa)Onde histórias criam vida. Descubra agora