UATW 29

1.8K 57 12
                                    

Jennie's Point of View

Lumipas ang Wednesday and Thursday na hindi pa rin pumapasok si Lisa. At hindi pa rin ako tinetext. Hindi ko alam kung sadyang nagpapa-miss ba siya sakin or what.. Pero isa lang ang masasabi ko, Namimiss ko siya. Walang araw na hindi ko siya iniisip. Napapagod na nga yata ako sa kakaisip sa kaniua. Kung ano hinagawa niya, kung kamusta ang araw niya.

Gustuhin ko man sana itext siya kaso baka di naman niya ako reply-an, ayoko naman na magmukha lang akong tanga.

Atsaka nasabi na rin sa akin ni Chaeyoung na pupunta daw bukas si Lisa para sa foundation day and napansin kong pinaghahandaan na ng ilang estudyante yun kanina. Lahat sila pinag-uusapan kung ano ang pwedeng booth na gagawin nila.

Tahimik lang ako sa upuan ko at wala akong balak magsalita. Nakatingin lang ako sa kanila habang nag-uusap usap.

Namimiss ko na siya.

Napabuntong hininga na lamang ako sa naiisip ko.

***

Ang boring ng araw ko! Buong oras nalang ba akong tutunganga dito sa kwarto? Wala man lang gagawin? Nandito ako sa study table ko at nakapatong ang dalawang braso sa mesa habang nakatungtong ang ulo ko sa kamay ko at tinitignan ang cellphone ko. May pakiramdam kasi ako na baka sakaling magtext sya or tumawag. Kahit na alam kong hindi naman niya gagawin yun. Hindi ko ba siya ulit susubukan na kausapin? Gusto ko sanang puntahan siya sa kanila kaso hindi ko naman alam kung saan.

Baka si Chaeyoung! Baka alam niya!!

Dali dali kong kinuha ang phone ko at tinawagan ang number niya. Ilang ring palang ay sinagot na niya ito.

["What do you need kiddo?"] Walang gana niyang tanong.

"I need an address of Lisa's house." Sabi ko sa kaniya ng diretsahan.

["Bakit ako nalang talaga lagi hinahanapan niyo ng mga ganyang bagay? Mukha ba kong chismosa ha?"]

"Mmm.. Yes. Ibigay mo nalang."

["Ayoko. Panggulo ka sa tulog. Nagpapahinga ako e."] I need to use my Alas.

"Libre kita bukas? Ano? Papayag kana? Bigay mo lang sakin ang address niy-----"

["Okay. Okay. fine. Pinapagod niyo ko e."]

"Thank you Rosé!!! Mwah!!! You're the best!" tuwang tuwa kong sabi sa kaniya.

["Basta libre ko bukas."]

"Lagi naman may kapalit sayo."

["Hindi pwede na wala. Atsaka sanay kama rin naman e. Okay, here's the address. Kunin mo ang papel mo and isulat mo na. At kung nagtataka ka kung pano ko nalaman? Nakapunta na ako, just once... Kaso Hanggang labas lang ako ng subdivision nila. Kaya swerte ka kung makapasok ka sa loob."]

"Thank you.." sinabi na niya ang address ni Lisa. Sinulat ko naman yun sa isang maliit na papel. Pagkatapos niyang magsabi ay in-end na niya ang call.

Naghahanda na ako para umalis. Napansin kong malabo ang salamin na suot ko. Kaya naman pinunasan ko muna iyon at muling isinuot.

Ano ba pwede ko sabihin sa kaniya pag nagkita kami? Dapat ko ba muna siyang tanungin kung bakit siya na-guidance at bakit 1 week siya nasuspend? O tatanungin ko siya kung bakit ganun ang inaakto niya nung Monday? Maybe I should say hi to her, first? O baka Dapat ko na sabihin sa kaniya ang mga nararamdaman ko? Pero paano kung di niya ako kausapin?

Mukhang hindi pa ito ang tamang oras para umamin.

Bakit ko ba agad iniisip yun? Wala pa nga ako dun sa kanila.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now