UATW 35

1.9K 40 14
                                    

Jennie's Point of View

1 week na ang lumipas. Sa 1 week na hindi pumasok si Lisa ay palagi niya akong sinusundo pag uwian. Walang mapagsidlan ang tuwa ko sa tuwing makikita ko sius. Yung pakiramdam na pagod ka after class pero pag nakita mo na yung taong gustong-gusto mo... Yung taong nagpaparamdam sakin na kuntento siya, yung taong nagpaparamdam sakin na mahal niya ako, kapag nakikita ko siya ay bigla nalang mapapawi lahat ng pagod ko. 

Minsan kapag free time nag-aaya siyang gumala kami. At dahil nasuspend si Lisa ng 1 week, lagi ko siyang inuupdate at binibigay ang notes ko. Gusto ko din yung ganito, when it comes to studies. Yung tipong tutulungan namin ang isa't-isa sa mga bagay na alam naming mahina kami. Yung tipong hindi pa rin namin napapabayaan ang pag-aaral namin.

Kasi nga may mga pangarap kami na gustong matupad.

Nasa campus na ako. Medyo inaantok pa nga ako para pumasok ngayon. Pero anong magagawa ko? Nandito na rin naman ako sa corridor.

"Hey Little Jennie!" saka ko naramdaman ang pag-akbay sakin. I look at my right side and I saw Chaeyoung while smiling at me.

"Good morning!!" masayang bati niya sakin.

"Good morning din Chaeng. Pasensya na, medyo inaantok pa ako." nakita ko naman siyang tumingin ng nakakaloko saka ngumisi.

"Anong ginawa mo kagabi ha?" nakangising tanong niya sakin.

Binatukan ko naman siya dahilan para masaktan siya at mapahawak sa batok niya. Nakasimangot siyang tumingin sakin at natawa na lamang ako.

Actually, kinausap ko lang naman sa phone call si Lisa kagabi. Inabot pa nga kami ng 3 am dahil panay ang kwento niya sakin. Syempre ako naman tong si tanga, kinikilig at palaging nakangiti.

"Loko, di kasi ako makatulog kagabi. Ano ba iniisip mo jan?" pagdadahilan ko sa kaniya.

"Ang bad mo sakin noh? Nga pala si Limario?" tanong niya sakin.

"Hindi ko alam e. Siguro tulog pa yun. O baka na-late lang?" sagot ko sa kaniya. Tumango naman siya. Ngayon na kasi ang araw ng balik niya para pumasok.

"So anong balita?" tanong niya.

"Balita saan?" tanong ko naman.

"Sa inyo?" sagot niya sakin.

"Ano meron samin?" pabalik kong tanong sa kaniya.

"Tss. Maang-maangan ka pa. Yang about sa inyo? Any improvement? Like more than that??" hindi ko alam kung dala ba ng kulang sa tulog to o sadyang di ko lang maintindihan ang mga sinasabi sakin ng loko-loko kong kaibigan?

"Tagal naman sumagot! Jan kana nga! Mauna na ako, baka malate pa ako sa bagal mong maglakad e." saka siya tumakbo.

Nakakapagtaka naman yung tanong niya. Nevermind. Siguro ay kulang lang talaga ako sa tulog kaya hindi ko siya maintindihan. Habang naglalakad ako ay may tumawag naman sakin.

And guess what?

"Bunny Kim!" nanggagaling iyon sa likod, lumingon ako at nakita ko si Vernon na natakbo papalapit sakin.

Yeah, si Vernon nga. Actually, narealize ko na pwede rin pala maging kaibigan itong si Vernon. Ang bait niya lang kasi. Ngumiti ako at kumaway sa kaniya nang makita ko siya. Ngumiti naman ito pabalik. Nang makarating ito sa kinatatayuan ko ay agad naman niya akong binati.

"Good morning Jennie." sabi niya

"Good morning din. Nga pala, salamat ulit sa paghatid sakin no'ng Friday. Nakalimutan ko na magpasalamat sayo. Hindi rin kasi tayo nagkakasalubong these past few weeks." sabi ko naman

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now