UATW 30.2

2.1K 63 12
                                    

Jennie's Point of View

Nabigla na lamang ako nang may humila sakin. Sino to? Sino siya para hilahin ako?!

"H-hoy, sino ka?" tanong ko sa humihila sakin.

Hindi ko siya makilala dahil nakasuot ito ng hoodie. Nang makalayo kami ay binitawan niya ang kamay ko. Saka ito naglakad palayo sakin, aba siraulo ata to!

Matapos ako hilahin, iiwanan ako? Ganun na ba talaga ako kapangit? Agad kong hinabol ang taong nanghila sakin at hinawakan ko ang braso niya. Tumigil naman ito at hindi man lang ako hinarap.

"Hoy! Sino ka? Bakit mo ko hinila? Atsaka ano yun?! Hinila-hila mo ko dito palayo sa kasama ko, tapos bigla mo ko iiwan?! Ano problema mo?!" sabi ko habang hindi pa rin binibitiwan ang pagkakahawak ko sa braso niya.

Tinanggal niya ang hoodie nito at nakita ko ang blonde niyang buhok. Doon palang ay alam ko na kung kanino iyon. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Unti-unti itong humarap sakin. Pakiramdam ko ay tumigil ang paggalaw ng mga tao sa paligid ko.

"L-Lisa?" inalis niya ang kamay ko sa braso niya at muling naglakad palayo.

"Teka lang! Teka!" saka ako tumakbo papunta sa unahan niya.

"Lisa, p-pwede ba tayong mag-usap?"

Pumayag kana please.

"I'm busy.."

"Ah.. Sorry kung naistorbo kita. Sige iwan na muna kita?" nakakainis!

Nagsimula na akong maglakad palayo sa kaniya nang bigla kong naramdaman ang paghawak niya sa kamay ko. Nakaramdam ako ng kuryente nang magdikit ang palad namin. Lumingon naman ako upang tignan siua..

"Samahan mo ko, gusto ko kasi tumingin tingin sa mga booth dito." sabi niya.

Napansin ko ang wrist niya, hindi niya pa rin inaalis ang bracelet niya. Hindi ko alam kung nakangiti ba ako ngayon. Pero kahit papaano ay masaya na ako dahil nakakausap ko na siya

"S-sige." sabay kaming naglakad at nag-ikot-ikot sa field.

May mga nagbebenta ng balloons and cotton candy. Ang galing nga ng gumagawa nun e, nakakagawa siya ng ulo ng bear gamit lang ang cotton candy. Namangha naman ako dito at tinitigan iyon. Gusto ko kumain nun. Nahihiya lang akong magsabi kay Lisa na bibili ako. Nanatili lang ako nakatingin doon at hindi ko alam kung napansin ba yun ni Lisa dahil tumigil din siya sa paglalakad.

"Gusto mo niyan?"

"Ha?"

"Gusto mo ba niyan?" muli niyang tanong sakin.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay agad na siya lumapit dito at bumili ng isang cotton candy. Nang makabili ito ay lumapit naman siya sakin at iniabot ang binili niya. Shape naman yun ng bulaklak which is natuwa ako dahil ito ang napili niya. Kinuha ko naman iyon at nagsimulang kumain.

"Ang tamis!" nakangiti kong saad nang kainin ko ang cotton candy. Nakita ko naman na natawa siya ng bahagya.

Ngayon ko lang uli siya nakitang tumawa. Natulala naman ako sa kaniya at napansin naman niya yun kaya parehas kaming natigilan sa paglalakad.

"Bakit?"

"Ano kasi.."

"Ano?"

Us Against The World (JenLisa)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ