UATW 51

372 15 2
                                    

Jennie's Point of View

I just can't believe na isasama ako ni Lisa papuntang Daegu, ineexpect ko talaga na siya lang, not until she said those words to me. Kaya pala ganun ang inaakto ni nanay kanina bago kami umalis, kaya pala pinapabihis ako ni Lisa ng maayos kasi may balak pala siyang isama ako...

Sa totoo lang hindi ako makatulog ng maayos kahapon kasi may part sakin na hindi ko kaya na malayo sa'kin si Lisa. Ilang araw ko din pinag-isipan kung sasagutin ko na ba siya, alam ko naman sa sarili ko na sincere siya and seryoso siya sa nararamdaman niya sakin. Kaya nang dumating ang araw na 'to gusto ko na bago siya umalis, gusto ko na malaman niyang masaya ako at hihintayin ko siyang bumalik. Gusto ko malaman niya na okay lang sa'kin at hindi na niya kailangan pang mag-alala. Yes sinabi na niya sakin na 1 month lang naman daw siya mag-sstay do'n and ilang beses na niya yata akong kino-comfort, but my dumbass mind can't stop thinking and worrying about it.Pero syempre, baka pagbalik niya ma-realize niya na hindi pala talaga ako ang kailangan niya. Natatakot ako.

Alam ko naman na bago pa niya ako makilala, ginagawa na niya ang pagbabakasyon sa ibang bansa. Sa status palang ng life niya, kumpara sakin. Kitang-kita talaga ang pagkakaiba. Atsaka sino ba naman ako para pagbawalan siya sa mga bagay na masaya siya.  Yung takot na nararamdaman ko, gusto ko yun mawala. Gusto ko na makampante ako. Ang tanga ko ba? Ewan.. Maski ako hindi ko rin alam ang isasagot ko. But nevermind, all I know is that I love her and I want to be part of her life since the day that she makes me feel loved and worth it. That's the reason kung bakit ko siya sinagot. May part din sakin na gusto kong maramdaman niya yung pagka-miss niya sakin once na makauwi siya ulit.

Nakakatawa lang isipin na iba pala ang mangyayari. Ibang-iba sa inaakala ko. Actually ang gulo nga ng nararamdaman ko e. Kinakabahan ako, maya-maya excited and bigla nalang ako matatakot dahil sa mga naiisip ko. Kahit na ganun, masaya naman ako kasi she literally makes an effort. Lalo na no'ng inilabas niya yung ticket. At first I thought she's just making a joke, yun pala hindi. Hindi nga ako makapagsalita kasi  hindi talaga ako makapaniwalang gagawin niya 'to. Mas lalo niya sakin pinapakita at pinaparamdam na hindi ako magsisisi na minahal ko siya.

"Jennie?" natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Lisa.

"Bakit?" agad kong tanong sa kaniya.

"Anong bakit?" tanong niya sakin.

"Why sa english?" tinignan niya lang ako ng ilang segundo, maya-maya pa narinig ko na siyang tumawa. Hindi naman ganun kalakas ang tawa niya. Mali ba ang nasabi ko? Hindi ba siya makapaniwalang in-english ko yung Bakit?

"Bakit ka tumatawa?" takang tanong ko sa kaniya.

"Ikaw kasi, halatang hindi ka nakikinig." matawa-tawa pa niyang banggit sakin.

"Nagsalita ka ba? Bakit hindi ko man lang narinig." sabi ko.

"Baka kasi may iba kang iniisip. So tell me, what is it Jennie Kim?" kinabahan naman ako dahil nagsimula na tuloy siyang magtanong.

"Wala ah, teka lang ayan na pala yung assigned seat para sa'tin." pag-iiba ko ng topic. She just barely laugh at me then she helps me to put our baggages at the overhead bin. Since mas matangkad siya sakin halos siya na nga ang nagbuhat at naglagay ng mga bagahe namin, habang ako naman tinitignan ko lang siya. Isa na rin siguro yun sa advantages na meron si Lisa, hindi na niya kailangan tumingkayad tulad ko. Oo na, tanggap ko na na maliit ako.

Napansin ko na madami din pala kaming nakasakay dito, halos ma-occupied na nga nila yung mga seats sa loob.

"What are you doing?" napatingin ako kay Lisa nang marinig ko siyang magsalita.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now