UATW 13

2.1K 69 2
                                    

Jennie's Point of View

"Number 47?" si Lisa na! pakiramdam ko ay naeexcite ako na kinakabahan para sa kaniya. Ano kaya mangyayari? Sana naman makapasa siya.

Ano kaya ang sasayawin niya?

Sexy dance kaya?

Ay teka! Bakit yan ang iniisip ko?

Matapos niyang magpakilala ay pumwesto na siya sa gitna. Maya-maya pa ay nagsimula na i-play ang kanta.

Shape of You by Ed Sheeran.

Nagsimulang gumalaw ang katawan niya. Bawat galaw niya ay natutulala ako, ang galing niya sumayaw. Nakanganga na ba ako? Sana naman ay hindi. Kulang nalang nga ay pasukan ng langaw itong bibig ko.


I look at her waist at nakita ko kung gaano talaga siya ka-sexy at makikita mo din ang abs niya. Dagdag pa ang pagiging oily ng body niya dahil sa pawis niya. Bakit ba ang sexy niya sumayaw? Napansin ko naman na ang tahimik. Oo nga pala! Magchicheer ako sa kaniya. Kailangan ko pa ba 'tong gawin? Bahala na nga. Nahihiya man ay itinaas ko ang banner na ginawa ko at isinigaw ang pangalan niya.


"GO LISA!! Whooooo!!" nakita kong nakangiti ito sakin. Narinig ko ang sigawan ng mga nanonood at ang iba naman ay pumapalakpak. Nakangiti ako habang pinapanood siya sa pagsayaw niya.

Nang matapos ito ay nag-bow siya at umalis na. Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya. Nang makalapit ako ay nakita ko kung gaano siya pawis na pawis. Bakit parang ang hot niya tignan ngayon?

Mas na-aattract ako lalo.

"Wow!! I didn't know that you're good in dancing Lalice!!"

"Sira.." saka ito natawa ng bahagya. Kinuha ko ang facetowel ko sa bag at ibinigay iyon sa kaniya.

"Eto, punasan mo ang pawis mo. Masama ang matuyuan. Oy baka may dala kang extrang damit jan. Magpalit ka ah?" saad ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang ako naging concern sa kaniya.

"Okay babe..." sabay kindat niya. Nabigla naman ako sa pagtawag niya sakin. Ano daw? Babe? Maya-maya pa ay humagalpak ito sa kakatawa.

"HAHAHAHAHA yung mukha mo, bakit gulat na gulat ka? Look, there's nothing wrong for calling you that, right?"

"Y-yeah.." pagsang-ayon ko naman sa kaniya.

Nakaramdam ako ng panghihinayang. Mali! Hindi dapat ako manghinayang. Bakit ba kasi ako manghihinayang dun? Hinawakan ko nalang ang kamay niya at hinila na siya upang makalabas ng gymnassium.

"Magpalit kana ng damit mo.. Nagpapatuyo ka din e! Dali!!!"

Pumunta muna kami sa locker room at kinuha ang damit niya at pagkatapos ay nag-aya na siya na pumunta ng cr para makapagpalit. Sumama naman akong pumasok ng cr kasi hawak ko ang damit na ipangpapalit niya.

Di ko itatanggi na ang galing niya talagang sumayaw kanina. Natulala pa nga ako e. Ewan ko ba, may charisma yung dating niya at para akong kinikilig the way na gumalaw siya. Madami nga ding babae na tumili sa likod ko kanina. Narinig ko pa nga ang bulungan nila e.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now