Us Against The World (JenLisa)

10.7K 111 1
                                    

"I find understood what true love meant... Love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." -Nicholas Sparks, Dear John

Isinara ko ang librong aking binabasa at tumingin mula sa labas ng bintana ng aking kwarto. Napaisip ako bigla.

Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng Love?

Love....?

Isang salita, mayroong apat na letra.

Pero madami ang nasasaktan.

Madami ang nagpapakatanga.

Madami ang handang magsakripisyo para sa taong mahal nila.

Para sa'kin, ano nga ba talaga ang love? Mmmm.. Hindi ko alam-----wala kong maisasagot jan. Lalo na sa katulad kong wala pang naging Boyfriend o hindi pa nagkakaroon ng relasyon. Hindi ko alam kung dahil ba hindi ako maganda o sadyang hindi talaga ako ligawin.

Sa tuwing nagbabasa ako ng mga novel, lagi nila dinedescribe ang Love.

Lagi nilang sinasabi na Masarap sa feeling na inlove ka, lagi kang inspired at lagi kang nakangiti. Ang sabi pa nila Love is worth fighting for. Totoo naman e, lalo na kung deserve ng taong yun na ipaglaban talaga. Pero sabi nga nila, kapag nagmahal ka dapat kaya mong tanggapin ang consequences. Kapag nagmahal ka dapat tanggap mo kung sino siya, tanggap mo ang buong pagkatao niya at tanggap mo ang mga pagkakamali niya. Dahil nga mahal mo siya.

Pero minsan hindi naman lahat nauuwi sa happy ending diba?

Yung iba nga kahit sinabi mo nang 'mahal kita' iniiwan pa din e.

Yung iba kahit ilang years na ang relasyon nila ay naghihiwalay pa din. Siguro nga hindi ganun kalalim ang pagmamahal ng isa sa kanila.

Wala naman kasi tayo sa Fairytale para maging happy ending lahat ng love story.

Hindi naman tayo mga Princes and Princesses of Disney para magkatuluyan pa din hanggang sa huli.

But in your journey together, your gonna face a lot of struggles in your relationship. Para makita kung hanggang kailan sila magsstay sa buhay mo. Yung tipong kahit na hindi na puro 'saya' ang relasyon niyo ay mas pinili niyo pa rin na kumapit sa relasyon niyo. Yung tipong kahit marami man ang may ayaw sa relasyon na meron kayo, still mas pinili niyo pa rin ang isa't isa. Kasi mas pinili niyong lumaban at wag magpaapekto sa kanila. Dalawa lang naman yan e.

It's either Us Against the World

or

It's time for us to say Goodbye.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now