UATW 28

1.8K 51 3
                                    

Lisa's Point of View

Abala akong nakatingin sa kisame ng aking kwarto habang nakahiga. Iniisip kung ano na ang susunod na mangyayari dahil wala na ako dun para bantayan siya.

Alam kong wala nang magtatangkang mananakit sa kaniya.  Alam ko yun...

Bigla ko din naalala sila Jennie at Vernon. They look so good together. Kung may makakakita man sa kanila, matutuwa din sila kasi maganda si Jennie at gwappoo naman itong si Vernon. Ang sakit pala kapag nakikita mo yung taong gustong gusto, yung taong alam kong mahal ko na na may kasama nang iba no? Vernon is so lucky. Pwede maging sila. While me? I'm just here, staring at them. Hinahayaan na mapalapit si Jennie sa kaniya. Ano nga naman ang laban ko dun? Isang hamak na babae lang ako. Osang hamak na best friend lang.

Nothing more, nothing less.

Napaupo ako at napahilamos na lamang sa mukha ko. I'm so stressed. Para bang ang sakit ng katawan ko ngayon. Maya-maya pa ay bigla na lamang nag-ring ang phone ko. Kinuha ko ito at nakita ko sa screen ang pangalan ni Rosé. Napatawag pa 'tong kupal na 'to.

I answer it immediately.

["Hey douchebag."]

"Douchebag your face. So what's the reason why you're calling me?" I asked.

["Bali-balita kasi sa campus na may na-suspend daw. At nabanggit nila ang pangalan mo."]

"Nice! Iba talaga ang ginagawa ng chismis Hahahahaha. Akalain mo yun? Sikat na ako?" natatawa kong saad sa kaniya pero hindi naman siya natawa. Attitude to ah?

["Seryoso ako Limario."] Limario na naman. Tsk.

"Stop calling me Limario!"

["Chill, Lisa. Pikunin ka no? Hahahaha. So ano? Totoo ba ang bali-balita sa campus na na-suspend ka?"]

"Yeah.."

["What?!! What happened?"] tanong niya sakin.

"Chismosa ka?"

["Bestfriend mo din ako."]

"Para kana ring chismosa kong kaibigan tss.." narinig ko siyang tumawa ng sobrang lakas kaya nailayo ko ang cellphone ko sa tenga. Wala pa rin pinagbago ang boses niya.

["You know what? Para kang clown, ang hilig mong magpatawa no?"] sagot niya sakin habang panay ang tawa niya.

"I'm not a Clown!"

["Just kidding.. Relax yourself, Limario, napakaseryoso mo. Ikwento mo na sakin kung ano nangyari."] wala na rin naman ako nagawa at ikwinento na ang buong pangyayari sa kaniya. Pati na rin ang pagtulong ni Vernon sa kaniya ay sinani ko din. Pagkatapos non ay wala akong narinig na salita galing kay Rosé.

I just heard her sigh.

["Bakit hindi mo kasi siya tinulungan?"] tanong niya sakin.

"Nauna ang pride ko, Chaeng." malungkot kong tugon sa kaniya. Atsaka hindi ko naman akalain na pupunta si Vernon dun.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now