UATW 4

2.9K 77 4
                                    

Lisa's Point of View

"Bakit late ka umuwi?!! Ano ba pinaggagawa mo ha?!!" galit na sabi sa akin ni mama, sinermonan lang naman ako dahil around 7 pm na ako nakauwi ng bahay..

"Tinext kita diba?!!! Ano ba nangyayari sayo?!"

"Ma, I'm with my frie----"

"FRIEND?!!" hinintay ko na magsalita siyang muli.

"WE TALK ABOUT IT ALREADY, LISA!! ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SA'YO?! ILANG BESES KO BANG SASABIHIN NA UMIWAS KA! NA LUMAYO KA! BAKIT BA ANG TIGAS NG ULO MO?!" hindi nalang din ako nagsalita ayoko na pahabain pa ang usapan. Ang gusto ko nalang ay magpahinga.

Nasa kwarto na ako ngayon at nakahiga sa kama. It's 9 in the evening and balak nang matulog. Pagod eh. Bigla kong naalala si Jennie. Sana sa paraang yun napasaya ko man lang siya. Napangiti ako ng makita ko siyang tuwang-tuwa. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata upang matulog na.

***

"LISA!!!! LALICE!! SAMAHAN MO KO!! MAG-AAUDITION AKO SA THEATER CLUB!" bungad niya sa akin pagpasok na pagpasok ko palang sa classroom. Aboses niya agad ang bumungad sakin.

Halos pagtinginan kami ng mga kaklase namin. Napailing na lamang ako dahil sa ginawa niya. Muntik na akong himatayin sa gulat. Loko-loko talaga tong babaeng to.

"Tigilan mo ko.." sabi ko sa kaniya saka umupo. Sumimangot siya at tumahimik saglit. Samantalang ako, nakaupo na at inilagay ang earphone ko sa tenga para makinig ng music. Abala ako sa paghahanap ng kanta sa phone ko. Nang marinig ko uli siyang nagsalita.

"Psst.. Lalice, samahan mo ko ah?" muli niyang pagtatanong sa akin.

Nagkunwari akong walang naririnig. Maya-maya pa ay tinanggal niya ang earphone ko sa kanang tenga ko. Napatingin ako sa kaniya at kinuha iyon.  I just keep on ignoring her dahil ayoko na napapalapit siya sakin.

Naalala ko ang nangyari kagabi. Nasermonan na naman ako. Wala na ba akong magagawang tama?


"Sasamahan mo ko diba?" pag-uulit niya, bakit ba kasi ang kulit mo? Anong klaseng nilalang ka ba at ayaw mo ko tigilan? Alien ka ba? Mapapasapo na lamang ako sa aking noo kung saka-sakali.

"Silence means yes!!! Yyyiiie! Thank you Lisa!" nagulat na lamang ako nang bigla niya ako hinalikan sa pisngi. Natulala ako sa ginawa niya at tinignan siya.

I didn't expect that.

Ngumiti siya at ibinaling na ang atensyon niya sa kaniyang ginagawa.

Wait...

Hinalikan niya ako sa pisngi?!

Damn?!!!

Does she know that I'm not straight?!

Hindi naman niya talaga malalaman yun Lisa. Dahil di niya natanong. Mas lalong di niya din malalaman yun, kung di ko sinasabi.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now