UATW 24

1.7K 52 0
                                    

Rosé's Point of View

I'm at the kitchen right now. Actually naghahanap ako ng makakain ko sa ref namin. Ewan ko ba, palagi akong gutom. Anak ko siguro tong mga bulate sa tiyan ko HAHAHHAHA.

Hindi ka tatawa?

Wag ka tumawa para mabaog ka. Joke lang!

Nang makakuha ako ng pagkain sa ref ay ininit ko muna ito sa Microwave. Abala ako sa paghihintay sa pagkain ko nang biglang may tumawag.

At sinong lapastangan ang tatawag sa'kin sa oras ng date ko with my food?! Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa mesa. At agad sonagot ang tawag.

"Hello?"

["Rosé? Chaeyoung!!! Oh my gosh!"] pamilyar boses nito ah? Agad Kong tinignan ang screen name ng kausap ko sa phone at unregistered number lang ang nandito.

Wow!

Ayos to ah! Maghuhulaan ba kami? Kapag nahulaan ko kung sino, siya manlilibre Hahahahah. Parang gusto ko yun ah. Ang ganda naman ata ng ideya ko.


"Who are you? Wag mo sakin ipahula pangalan mo. Manlilibre ka talaga Hahahahaha!"

["It's Jennie! May favor sana ako sayo.Pakipuntahan mo naman itong si Lisa sa mall oh?"] panggulo amp! Ano ba naman itong mag-jowang to. Di nalang magkaaminan. Nagtataguan pa ng feelings e tsk tsk tsk. Atsaka ano na naman kayang problema nito. And wth?! Di ko naman binigay ang number ko sa kaniya ah?

"Oy! Ano yan?! Ayoko nga! Baka Mamaya set up yan, atsaka paano mo nalaman ang number ko? Stalker kita noh?" pang-aasar ko sa kaniya.

["Umayos ka, di noh!! Ang hangin mo sa part na yan. Nakuha ko number mo kay Lisa. Please, please Rosé! I'm begging you! I'll explain later.... Just please help me with this one?"]

"Bawal ang walang kapalit!" Bawal naman talaga, matapos niya ako guluhin sa date ko with my food tapos gagawin ko lang yun ng walang kapalit?

Hell no!

No freaking way!

Tatawag siya tapos guguluhin niya lang ako? Tapos sasabihin na puntahan si Lisa? Bawal yun!! Atsaka hindi ako papayag na utus-utusan lang nitong si Jen------

["Okay fine, ililibre na kita sa Monday."]

"Oh? Saang mall ba yan? Sabihin mo agad sakin. Para mapuntahan ko na agad." masaya kong sabi sa kaniya.

Libre nalang talaga ang nakakapagpasaya sakin ngayon. Jojowain ko na talaga ang mga pagkain tapos magpapakasal na ako dito. Hahahahaha!

Sinabi niya kung saang mall pumunta ang girlfriend niya------ este si Lisa.

["Puntahan mo siya ah?"]

"Yeah yeah! I will. Basta yung libre ah? aasahan ko yan sa Monday. Bye" sabay baba ko ng tawag.

Natapos na ang pagpapainit ko ng pagkain sa microwave, hinayaan ko lang na nanjan lang ang pagkain ko sa loob, para pag-uwi ko mainit pa din. O diba? Hindi sumisingaw ang init Hahahaha. Agad na lumabas ako ng kusina at naabutan ko si Nanay Divine na naglilinis sa sala kasama pa ang ibang kasambahay namin. Si Nanay Divine ang nag-aalaga sa'kin simula nung bata ako. Madalas kasi ay wala ang magulang ko sa bahay. Syempre tinuturing na rin niya akong tunay na anak, ako naman? Nanay ko yan! Atsaka di naman ako nagtatampo kela Mama at Papa, naiintindihan ko naman na may business silang inaatupag. At abala sila sa pagpapatakbo ng company namin Hahahaha. Kapag nagkikita naman kami ay nakakapagbonding naman kami. Hindi naman nila ako nakakalimutan. Pero ngayon? Nasa Australia sila parehas. Syempre okay lang naman sakin yun.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now