UATW 10

2K 91 0
                                    

Jennie's Point of View

Pumasok kami sa loob at iniupo niya ako sa sofa. Pagkatapos ay muli siyang lumabas at kinuha ang mga paper bags tsaka inilapag iyon sa gilid.

"Teka isasara ko muna yung pinto." agad siyang naglakad papunta sa pintuan at isinara yun.

Sandaling tumahimik ang paligid. Nakita kong pinagmamasdan ni Lisa ang kabuuan ng bahay namin.

Ewan ko ba, nakaramdam nalang ako ng pagkadismaya. Hindi dahil sa ayaw ko sa estado ng bahay namin, nadismaya ako dahil baka kung ano sabihin ni Lisa sakin. Pakiramdam ko din ay madidisappoint siya dahil ganito ang kalagayan ng bahay namin. Ano magagawa niya? Ito lang ang kaya namin e. Wala naman kaming sapat na pera para tumira sa mga bahay na katulad ng tinitirahan nila.

"S-sorry ito lang ang bahay namin. Ang liit noh?"

"Seriously? Nila-Lang mo lang ang bahay niyo? Ang astig nito!" nakita ko ang tuwang tuwa niyang mukha habang iniikot ang mata sa bawat sulok ng bahay. Hindi ako makapaniwala, akala ko ipagtatabuyan niya ako bilang kaibigan niya dahil sa ganito ang sitwasyon namin. Hindi ko akalain na matutuwa pa siya.

"Oh? Bakit hindi ka makapaniwala base sa itsura mo?" saka ito naglakad at umupo sa tabi ko.

"Ano... Hindi naman sa hindi ako makapaniwala. Akala ko kasi ano..."

"Na mandidiri ako? Na madidisappoint ako?" yumuko ako dahil sa kahihiyan. Bakit ko nga ba naisip yun? Narinig ko siyang tumawa.

"Bakit ko pandidirihan ang nagsisilbi niyong tahanan? Atsaka expected ko na talaga na ganito ang bahay niyo kasi nga scholar ka. Kagaya nga ng sinabi ko sayo kanina, tanggap ko ang lahat lahat sayo." napangiti ako dahil sa narinig ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay ang saya saya ko.

"Anyway, pwede ba ako kumuha ng maiinom?"

"Nauuhaw ka ba? Teka. Ako na ang kukuha."

"Ako na. Sa ngayon, ako muna ang mag-aasikaso kasi meron ka pa niyan." sabay nguso niya sa paa ko. Wala na rin ako nagawa kundi hayaan siya.

"Pasensya na hindi ako nakabili ng makakain natin. Hindi ko kasi inaasahan na pupunta ka dito."

"Pwede naman ako lumabas para bumili e." nakangiti niyang saad sakin. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Hindi sa wala akong tiwala sa kaniya, pero kasi baka hindi siya sanay. Lalo na at bago pa sa paningin niya itong lugar namin.

"Ano na naman bang mukha yan? Hahahahaha"

"Sira! Nag-aalala lang ako sayo. Sure kabang gusto mo na ikaw ang bumili?" nakita ko itong tumango habang hindi nawawala ang ngiti sa labi niya.

"Trust me, makakauwi ako ng ligtas." saka nagtaas baba ang kilay nito.

"Baliw. Basta kapag pakiramdam mo nawawala ka, tawagan mo ko ah?"

"Madali ko nakakabisado ang mga daan. Kaya magtiwala kalang sakin. Saan ba dito ang bakery?"

"Paglabas mo dito sa bahay namin, diretso ka sa kaliwa. Tapos ang makikita mong unang kanto, pumasok ka dun and diretsuhin mo yun makikita mo na yung bakery dun."

"Okay. Lalabas na muna ako. See you later alligator."

"Teka, yung baya----"

"Ako na bahala. Libre ko na to." bago pa siya makaalis ay kumindat muna ito sakin. Natawa naman ako sa kaniya.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now