UATW 5

2.6K 86 3
                                    

Lisa's Point of View

Oras na ng uwian, wala naman masyadong ginawa. Nagpagawa lang ng quizzes and activities. Balak ko na din ilibre si Jennie sa mall. Para naman hindi na siya nakasimangot. Habang naglalakad kami sa hallway ay may nakita akong nakapaskil sa bulletin board. Naghahanap sila ng members sa Dance club at magsisimula ang audition sa Monday.

"Lisa bakit?" kasi naman, sino di magtataka. Tumigil pa talaga ako para tignan iyon at binasa ko ang nakapaskil sa bulletin board.

"Marunong ka sumayaw Lalice? Sasali ka ba? Wow! Don't worry Lalice! I'll be there to support you." umiling ako at nagsimulang maglakad.

Ayoko sumali kasi hindi rin naman ako susuportahan ng magulang ko. Napansin kong hindi ako sinusundan ni Jennie kaya tumigil ako at tumingin sa kaniya. Nakita ko siya na nakatayo at nakatingin lang sa akin. Ano na naman kaya trip nito? Bakit hindi pa siya sumabay sakin?

"Narinig mo ba ako, Jen? I said let's go." sabi ko sa kaniya. Umiling lang siya at tinuro ang nasa bulletin board.

"Join in this club.." at nakita ko na naman siyang mag-pout. Nanggigil ako. She's so cute when she's pouting while wearing her eye glasses. Umiling ako at binalik ang atensyon sa kaniya.. Lumapit ako sa kaniya at pinitik ang noo niya ng malakas.

"Aray!! Bakit mo ginawa yun?" tanong niya sakin habang hinihimas ang noo niya. Pinipilit ba naman ako? Aba ang lakas ng loob niya. Sino siya para utusan ang isang Lisa Manoban?!

"Tara na, ililibre nga kita diba?" tsaka ko siya hinila. Kumalas siya sa pagkakahawak ko sa kaniya atsaka muling tumigil.

"I'd like you to have an audition in that Dance Club." seryoso niyang sabi sakin. Seryoso ba talaga siya sa gusto niya?

Kailangan ko ba talaga mag-audition? Papagalitan ako ni mama once na malaman niya to.

"Let's go.." sabi ko sa kaniya ng seryoso at nagsimula nang maglakad, naramdaman ko na sumusunod din siya sa likod ko.

"Ayaw mo ba maging masaya? I mean... Ayaw mo ba gawin ang mga bagay na gusto mo? Mga bagay kung saan mas kumportable ka at makakapag-express kung sino ka talaga?" napatigil ako sa mga sinabi niya sa akin, para akong tinamaan..

Sa buong buhay ko ba, naranasan ko ba maging masaya? Naranasan ko ba na gawin ang mga bagay na gusto ko? Hindi, dahil hinayaan kong kontrolin ako ni Mama habang lumalaki ako.

Lumapit ako sa kaniya at nang makalapit ako ay ngumisi ako sa harap niya. Bwisit 'to ah. Ang lakas makakonsensya sakin ngayong araw. Sa totoo lang ay siya palang ang nakapagparealize sakin nito. Kahit ganun, ay natutuwa naman ako dahil narinig ko ang mga salitang yun galing sa kaniya. Ginulo ko ang buhok niya.

"Lalice! Wag mo na guluhin yung buhok ko." tumawa ako dahil feeling ko naaasar siya sa akin. Hindi ko malaman yung nararamdaman ko ngayon. Pero bigla na lamang niya ako napapayag.

"Alright.. Sasali na ako sa dance club. May kapalit nga lang."

"Ano? Sabihin mo. Gagawin ko lahat para lang makasali ka jan."

"I want you to be there. I want you to support me. And I want you to make a banner and shout my name." pumalakpak siya at panay ang talon. Tumigil siya sa pagtalon at lumapit sa'kin saka pinisil ang pisngi ko.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now